27/05/2025
⚠️ SCAM ALERT: Irelander Spring Coast Resort sa Antipolo ay SCAM! Mga Scammers ang nagpapatakbo ng page.
Wala pong totoong “Irelander Spring Coast Resort” sa Antipolo. Isa po itong modus ng mga scammer na dati ring gumamit ng pangalan na Spring Field Waters at iba pa.
‼️ BEWARE! Ang style nila ay mangpressure para magbayad agad. Sasabihin nila na limited lang ang slots o may ibang gustong kumuha ng schedule ninyo para mapilit kayong mag-downpayment. Minsan magpapanggap pa silang may refund, pero trap lang yun para makuha pa lalo ang pera ninyo.
Kapag nakapagpadala na kayo ng bayad, wala na kayong makukuhang refund. Iba-block pa kayo.
Ginagamit nila ang page na ito para magpanggap na may private resort na may swimming pool, kitchen, function room, at iba pang amenities. Pero ang totoo, FAKE ang page na ito. Ginamitan lang ng fake followers, fake likes, at fake reviews para magmukhang legit.
📌 Link ng scam page:
https://www.facebook.com/profile.php?id=100068574144724
Ginamit na rin nila dati ang mga sumusunod na pangalan:
Irelander Spring Coast
Coastalspring Waters
Spring Field Waters
Pepper’s Private Place
White Pearl Resort
📣 Kung na-scam ka o muntik nang ma-scam, i-report agad ang page nila.
Makipag-ugnayan sa mga awtoridad para mahinto na ang panloloko nila.
✅ Reminder:
Maging mapanuri bago magbayad o mag-reserve.
Huwag magpadala agad ng pera online.
I-check kung legit ang resort gamit ang Google Maps, reviews, at official website.
Iwasan ang “too good to be true” deals.
Mag-ingat po tayong lahat. Sa panahon ngayon, maraming scammer — kaya dapat mapagmatyag at maingat. Hinihiling namin na mangyari rin sakanila ang mga ginagawa nila sa iba.
ANTIPOLO FINEST VILLA❤️😍
•Inter Asia's Clean And Neat Resort REWARDS
•AFFORDABLE RESORT NOMINEE
•MOST APPROACHABLE ANTIPOLO
•BEST WEDDING AND PARTY HOST❤️❤️
•PET FRIENDLY / PWD FRIENDLY.
BOOK WITH US VIA : ( 889 - 09 - 07 )