24/04/2026
๐ฃ๐๐จ๐ก๐๐ช๐: ๐๐ถ๐ป๐ด๐ด๐ถ๐น ๐๐ฎ ๐บ๐ด๐ฎ ๐ฃ๐ฎ๐ด๐ฏ๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ด๐ผ ๐๐ฎ ๐๐น๐ฒ๐ฐ๐๐ฟ๐ถ๐ฐ ๐๐ถ๐น๐น
๐ก๐ฎ๐๐ป๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐น๐ถ๐๐ฎ๐ป๐ฎ๐ด: https://www.facebook.com/share/p/18LCqZi9j3/
***
Sa mga minamahal naming Member-Consumer-Owners, ipinababatid po ng ating pamunuan, na bilang isang non-stock, non-profit electric cooperative, hindi po tayo โkumikitaโ o sa atin po napupunta ang kinokolektang bayad sa kuryente โ โTaga-singilโ lamang po tayo ng ating power suppliers, at mga ahensya ng gobyerno. At, mas lalo pong hindi tayo ang โnagpapatupadโ ng mga bayaring nailalagay sa bill ng kuryente โ Tayo po ay sumusunod lamang sa itinatakda ng mga umiiral na batas.
Batid po namin ang epekto sa ating lahat ng nangyayaring krisis sa enerhiya. Buhat po rito, nais lamang din pong linawin ng NEECO II-Area 2, na isang non-profit organization, na tanging ang โDistribution Chargesโ lamang na nakalagay sa ating bill ang ginagamit ng ating koop sa ating pang-araw-araw na operasyon (hindi tayo pinagbabawalan na magkaroon ng revenue, ngunit lahat ng income ay dapat ilaan sa pagpapalakas ng serbisyo bilang isang non-profit org). Hindi po ito tumataas simula nang maitatag ang ating koop noong 2004, at wala po sa atin ang desisyon para baguhin o itaas ito โ nakasunod lamang po tayo sa itinakda ng Energy Regulatory Commission (Rules for Setting the Electric Cooperativesโ Wheeling Rates, Resolution No. 20, series of 2009):
๐ขDistribution System Charge - PhP 0.5782/kwh
๐ขSupply System Charge - PhP 0.6001/kwh
๐ขMetering System Charge - PhP 0.4326/kwh
๐ขReinvestment Fund for CAPEX- PhP 0.2904/kwh
= PhP1.9013/kwh - walang increase na inaprubahan ang ERC mula sa ating pagkakatatag (2004) + Additional Member's CAPEX Contribution (PhP0.1632/kwh) mula 2014
Ang mga bagong bayarin gaya ng Uniform Lifeline Subsidy Rate (PhP0.0100/kwh), Renewable Energy Certificate (PhP0.0114/kwh), Green Energy Auction Allowance (PhP0.0371/kwh), at ERC Case No. 2021-046 RC (PhP1.2091/kwh) ay mga singilin na inaprubahan ng ERC o โpass-throughโ charges.
Ang kasalukuyan naman po nating Generation Charge na kinokolekta at ibinabayad sa ating kinukuhanan ng kuryente (coal-fired power plant) ay muling tumaas (February vs. March):
๐ขGeneration Charge - PhP 6.3642/kwh ๐บ
Bisitahin para sa full rate breakdown: https://neeco2area2.com/
Sa bawat sentimong nakikita sa inyong bill, kasama po ninyo ang NEECO II-Area 2 sa paghahanap ng malinaw, patas, at tapat na paliwanag.
Higit po tayong dapat magtulungan sa krisis na ito. Kasama ninyo po kami sa pag-unawa, pagtitipid, at pagharap sa kasalukuyang hamon.