03/02/2026
⚠️ PUBLIC ADVISORY: SCAM ALERT ⚠️
Gusto po naming magbigay ng babala tungkol sa scammer na nagpapanggap bilang official page ng aming resort at ginagamit ang pangalan ng resort namin para mang-scam ng mga naghahanap ng matutuluyan.
Kahit 2026 na, tuloy-tuloy pa rin ang scammer sa paggawa ng fake ads at pag-aalok ng sobrang murang promo (₱8,000) para maka-attract ng mga hindi pa aware. Hindi po ito galing sa amin at hindi legit ang mga alok na ito.
📌 PAALALA PO:
Ang totoong rates ng aming resort ay nasa ₱15,000–₱35,000, depende sa lean season, peak season, at holidays
HINDI PO KAMI nag-o-offer ng ₱8,000 rates, lalo na sa peak at holiday dates
Ginagamit ng scammer ang linyang “marami pong kausap, paunahan na lang magpadala” para madaliin at ma-pressure ang guests — red flag po ito
📌 AMING LEGIT NA BOOKING PROCESS:
Lagi po naming ine-encourage ang on-site ocular visit bago magpadala ng kahit anong down payment
Kung hindi kayo makapunta, pwede po ang video call kasama ang aming caretaker para makita ang resort
Pinapayagan po ang ocular visit kahit anong araw at oras, basta walang naka-check in na guest
Kung may guest sa araw na gusto ninyong mag-ocular, amenities lang po ang pwedeng ipakita, hindi ang rooms, para sa privacy at safety ng guests
Hindi po kami nagmamadali o namimilit magpadala ng down payment, kailanman
📌 PAALALA SA MGA FUTURE GUESTS:
Double, triple, at quadruple check ang page na kausap ninyo
Tingnan ang page history, followers, at past posts
Hangga’t maaari, mag-ocular visit o mag-request ng video call bago magpadala ng pera
📌 SA MGA NABIKTIMA NG SCAM:
Nakakatanggap po kami ng messages at comments mula sa mga taong na-scam ng fake page. Taos-puso po kaming nakikiramay at nalulungkot sa nangyari.
Pero nais din po naming linawin:
Biktima rin po kami
WALA po kaming koneksyon sa scammer
Matagal na po naming ni-report ang fake page sa Facebook at sa mga tamang ahensya
Patuloy po naming ina-advise ang mga biktima kung ano ang pwedeng gawin (ACG, bangko, GCash, atbp.)
Humihingi rin po kami ng pag-unawa at respeto. Masakit po para sa aming team ang makatanggap ng masasakit na salita, akusasyon, at pagmumura, lalo na’t ginagawa po namin ang lahat ng aming makakaya para matigil ito.
Gusto rin po naming ipaalam na hindi lang ang aming resort ang nabiktima—mayroon pa pong hindi bababa sa tatlong (3) iba pang resorts na ginamit din ang pangalan para mang-scam.
🙏 TULONG PO NAMIN ANG ISA’T ISA
Kung may makita po kayong page o ad na nagpapanggap bilang kami at may kahina-hinalang murang alok, pakireport po agad at ipaalam sa amin.
Maraming salamat po sa pagtulong na magpalaganap ng awareness para maiwasan na may mabiktima pa.