25/10/2025
Kahit si satanas, gusto nang mag-aklas
Sa mga hudas na walang humpay kung magwaldas
Salapi ng mamamayan na lumalaban nang patas
Kung kurakutin, tila wala nang bukas!
Kinakailangan pa ba na gamitan ng dahas
Upang kasakiman ninyo ay magwakas?
Mga suliranin na ating dinaranas
Taong-bayan ay sadyang utas na utas!
Sawa na sa anghang ng kanilang pagwaldas!
Hukay na ang puntod ng bawat ganid na buwayas!
Sige, mag-aklas, magpumiglas, sumigaw nang lakas!
Punitin ang gapos, ngayon na ang wakas!
Punitin ang gapos, ngayon na ang wakas!
Ano kaya ang maaaring maging lunas?
Sa pagdurusa na dulot ng mga ganid na mambabatas
Iniluklok para sila ay magpasa ng batas
Ngunit mas ninais na sila ay mang-ahas!
Dalubhasa sa pandarambong ang mga ungas
Kinakanlong ng mga kapwa nila mandurugas
Sigaw ng madla, katotohanan ay ilabas
Panagutin ang mga tiwali, walang dapat iligtas!
Sawa na sa anghang ng kanilang pagwaldas!
Hukay na ang puntod ng bawat ganid na buwayas!
Sige, mag-aklas, magpumiglas, sumigaw nang lakas!
Punitin ang gapos, ngayon na ang wakas!
Ngayon na ang wakas...
Gising na! Kilos na! Tayo ay magpumiglas!
Sa mga gapos ng buwaya, tayo ay tumakas
Ipadama ang p**t, sa mga salot ipakita ang lakas
Pagbubuklod ang kailangan, ito na ang tamang oras!
Sawa na sa anghang ng kanilang pagwaldas!
Hukay na ang puntod ng bawat ganid na buwayas!
Sige, mag-aklas, magpumiglas, sumigaw nang lakas!
Punitin ang gapos, ngayon na ang wakas!
Ngayon na ang wakas...
Ngayon na ang wakas...
Spotify, Apple Music, Itunes:
https://distrokid.com/hyperfollow/troydula/huling-sigaw/