12/09/2026
https://www.facebook.com/share/p/1EarEcFKjZ/
📢 𝐇𝐀𝐍𝐃𝐎𝐆 𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐍𝐆𝐔𝐋𝐎 𝟐𝟎𝟐𝟔: 𝐒𝐄𝐑𝐁𝐈𝐒𝐘𝐎𝐍𝐆 𝐒𝐀𝐏𝐀𝐓 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐋𝐀𝐇𝐀𝐓! 🇵🇭
Tara na, Angeleños! ❤️ Sa pangunguna ni Mayor Carmelo “Jon” Lazatin II at ng Pamahalaang Lungsod ng Angeles, inilalapit sa mga Angeleño ang iba’t ibang serbisyo at tulong ng pamahalaan sa Handog ng Pangulo 2026: Serbisyong Sapat Para sa Lahat.
Gaganapin ang aktibidad sa September 14, 2026, 8:00 AM–5:00 PM, sa Infinity Complex, Angeles City, kung saan tampok ang iba’t ibang serbisyo para sa kalusugan, kabuhayan, agrikultura, social welfare, legal assistance, public safety, veterinary care, at employment.
🩺 𝐌𝐄𝐃𝐈𝐂𝐀𝐋 𝐒𝐄𝐑𝐕𝐈𝐂𝐄𝐒
Maaaring magpa-check ng blood pressure at blood sugar, sumailalim sa chest X-ray screening, basic oral healthcare, blood typing, mental health services, deworming at vitamin supplementation, at iba pang health services. Mayroon ding Doxycycline prophylaxis for leptospirosis, subject sa angkop na assessment at health protocols.
🐶 𝐕𝐄𝐓𝐄𝐑𝐈𝐍𝐀𝐑𝐘 𝐒𝐄𝐑𝐕𝐈𝐂𝐄𝐒
Para sa ating mga alagang hayop, available ang libreng anti-rabies vaccination, deworming para sa aso at pusa, veterinary consultation, at pet adoption.
🌱 𝐀𝐆𝐑𝐈𝐂𝐔𝐋𝐓𝐔𝐑𝐀𝐋 𝐒𝐄𝐑𝐕𝐈𝐂𝐄𝐒
Makakakuha rin ng libreng seedlings at DA interventions para sa farmers, kasama ang launching ng Agri-RECOVER loan program. At para sa mas abot-kayang pagkain, Kadiwa ng Pangulo — Benteng Bigas, Meron Na!
⚖️ 𝐋𝐄𝐆𝐀𝐋 𝐒𝐄𝐑𝐕𝐈𝐂𝐄𝐒
May libreng notarial services at legal consultation para sa mga nangangailangan ng legal assistance.
👮 𝐏𝐍𝐏 𝐒𝐄𝐑𝐕𝐈𝐂𝐄𝐒
Available ang Police Clearance, Women and Children Protection Help Desk, at Highway Patrol Group Help Desk.
🔥 𝐁𝐅𝐏 𝐒𝐄𝐑𝐕𝐈𝐂𝐄𝐒
Maaaring mag-inquire tungkol sa Fire Safety Evaluation Clearance at Fire Safety Inspection Certificate.
💇 𝐀𝐅𝐏 𝐒𝐄𝐑𝐕𝐈𝐂𝐄𝐒
May AFP recruitment at libreng gupit para sa mga Angeleño.
💼 𝐏𝐄𝐒𝐎 𝐉𝐎𝐁 𝐅𝐀𝐈𝐑
Para naman sa mga naghahanap ng trabaho, magkakaroon ng PESO Job Fair sa Robinsons Mall Angeles, kasama ang COMELEC Voter’s Certification, Police Clearance, AFP recruitment, at libreng gupit.
Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng Pamahalaang Lungsod ng Angeles, sa pamumuno ni Mayor Jon, at mga katuwang na national government agencies, patuloy na inilalapit ang mga programa at serbisyo upang mas maraming Angeleño ang magkaroon ng access sa kinakailangang tulong.
📍 𝐈𝐍𝐅𝐈𝐍𝐈𝐓𝐘 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐗, 𝐀𝐍𝐆𝐄𝐋𝐄𝐒 𝐂𝐈𝐓𝐘
🗓️ September 14, 2026 | Monday
⏰ 8:00 AM–5:00 PM
📍 𝐏𝐄𝐒𝐎 𝐉𝐎𝐁 𝐅𝐀𝐈𝐑 — 𝐑𝐎𝐁𝐈𝐍𝐒𝐎𝐍𝐒 𝐌𝐀𝐋𝐋 𝐀𝐍𝐆𝐄𝐋𝐄𝐒
Tara na, Angeleños! Samantalahin ang mga serbisyong inilalapit sa ating lungsod.
🇵🇭 Handog ng Pangulo 2026 — Serbisyong Sapat Para sa Lahat.