11/07/2026
𝗣𝗔𝗕𝗔𝗧𝗜𝗗 | 𝗕𝗔𝗚𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗠𝗔𝗦𝗔𝗛𝗘 𝗦𝗔 𝗠𝗢𝗡𝗧𝗘𝗡𝗘𝗚𝗥𝗢 𝗦𝗛𝗜𝗣𝗣𝗜𝗡𝗚 𝗟𝗜𝗡𝗘𝗦
Magandang balita para sa mga biyahero!
Tinugon ang panawagan ng lokal na pamahalaan ng Puerto Galera sa pangunguna ni Mayor Robinhood D. Ylagan na maibaba ang pamasahe sa rutang Batangas City–Puerto Galera ng Montenegro Shipping Lines. Ang bagong passenger rates ay epektibo simula July 13, 2026.
Ang hakbang na ito ay inaasahang makatutulong upang maging mas abot-kaya ang paglalakbay ng mga residente, manggagawa, estudyante, at mga turistang bumibisita sa Puerto Galera.
Mangyaring tingnan ang kalakip na fare matrix para sa kumpletong detalye ng bagong pamasahe.
Fare matrix from MSLI.