25/09/2025
Bun Bo Hue.
Long day today, kaya magpopost ako ng pagkain ng alanganing oras para may karamay akong magutom ngayong hating gabi. Haha
Okay, balik tayo sa Bun Bo Hue. Buong akala ko talaga pho itong na-order ko. Iba pala. Turo-turo lang kasi ginawa ko at nag observe ng ilang minuto bago ako nag order. Marami kasing locals na kumakain dito kaya dito na rin kami nag decide sumubok. Kung mapapansin niyo, fresh na fresh pa yung ibang ingredients dyan. Akala ko nung una fresh na atay yung nakalatag dyan. Hindi pala. Yan na pala yung sikat na bl00d pudding. Hindi ko alam big thing pala yan until nakarating kami ng Hanoi. Staple pala sa kanila yan. Katumbas nyan sa atin yung betamax sa mga ihaw-ihaw sa kanto. Yung karne na hinihiwa ni ate, beef yun. Tapos yung parang nasa stainless bowl, nilagang pata yun. May parang orange balls din dyan na parang qwek qwek sa atin, pero pure meat yan na fresh din.
Sa process ng pag-prepare, sinasawsaw lang ni ate doon sa kumukulong kaldero niya yung gulay at noodles tapos bago ilalagay sa bowl. After nun, ipapatong yung sliced beef, kukurot ng beef balls (orange thing), at ang bida ng dish na ito, bl00d pudding na akala ko sariwang atay. 😂 Pagkatapos nyan, ibubuhos lang yung mainit na sabaw sa bowl mo at yun na yun. Hahaha. Hayaan mo na uminit yung mga toppings mo sa mainit na sabaw at hayaan mo na rin maluto yung fresh bl00d pudding at yung meat balls.
Syempre excited akong tikman. Feeling ko kasi ang sarap sarap. So eto na nga, unang higop ng sabaw, hindi ko alam kung ano mararamdaman ko hahaha. Word of advice, kung nasanay ka sa chao long (pho) sa Puerto Princesa, Palawan, baka hindi para sa iyo itong dish na ito. Pero dahil na-order ko na, diniscover ko pano ko mauubos itong order ko. Yung lasa kasi niya, meron first time ko lang natikman na kasama sa sabaw kaya parang weird siya sa akin. Tapos matabang, at yung parang nagpadalawang isip sa akin ay yung lansa. Hindi ko alam kung dapat ba na naghintay pa ako ng kaunti para maluto yung bl00d pudding? Pero sige hindi tayo papayag na hindi natin ma-enjoy ito. May nakahiwalay na basket ng herbs. Toge lang kilala ko doon at yung thai basil. Yung iba hindi ko na alam. So nilagay ko na lahat. Pinapanood ko rin yung mga katabi ko na kumakain na locals kung ano nilalagay nila. Ginaya ko lang din. At ayun na nga! Kelangan mo pala kasi timplahan hahahahha ANG SARAP PALA PAG NILAGAY MO LAHAT hahahaha di ako sure kung cinamon yung lasa na nagulat ako na natikman ko sa sabaw, basta mabango!
Kung gusto niyo matikman sa Palawan, ang kapareho na lasa ng sabaw ay yung na sa Rene Saigon. Yung Beef pho noodle soup with beef balls. Itong ito yun, tanggalin niyo lang yung lansa na part.
Okay, sa laman at sahog na tayo. Yung noodles, ang hirap gamitan ng tinidor dahil madulas sila at yung shape ng noodles ay bilog. Basta mag chopstick kayo para mas madali. Next na tinikamn ko yung bl00d pudding. From maroon na kulay naging maputla na siya kaya feeling ko naluto na rin. Kumurot lang ako ng konti kasi hindi ako sigurado. Voila! Buong akala ko talaga atay ito, pambihira dugo pala. Hahaha doon ko lang nalaman na dugo pala siya. Yung pata, medyo may idea na ako kung ano lasa pero syempre tinikman ko pa rin. Normal na karne na nilaga at same lang sila nung sliced beef. Dito ako natuwa sa kulay orange na bilog bilog na yan. Buong akala ko rice balls yan. Pagkagat ko, yung flavor niya na agad yung bumati sa akin. Pambihira sa lahat ng sahog dito ako natuwa kasi para sa akin siya ang pinaka masarap haha siya pinaka malasa. Swak sa panlasang Pinoy. Kaso ang liit niya eh pero palag na yan par!
Late pala dumating ung french bread na may itlog. Sa totoo lang, nakatulong din sa pagpapasarap ng kain ko yung tinapay na yan. Simpleng tinapay lang naman siya na may itlog pero pag sinawsaw mo na sa sabaw, YUN NA! LIQUID GOLD!
Overall, the experience was great! Masarap naman pala basta ilagay mo lahat ng herbs at ibang condiments according to your liking. Huwag i-judge agad hahaha.
At kung umabot ka sa part ng post na ito, malamang gising ka rin ngayong hating gabi at nagugutom kagaya ko. 😂 damay damay tayo par.