San Miguel Group Workers Multi-Purpose Cooperative

San Miguel Group Workers Multi-Purpose Cooperative Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from San Miguel Group Workers Multi-Purpose Cooperative, Kaykulot Road, Barangay Sungay East, Tagaytay City.

𝐌𝐚𝐫𝐜𝐑 πŸ‘πŸŽ, πŸπŸŽπŸπŸ“ | π†πžπ§πžπ«πšπ₯ π€π¬π¬πžπ¦π›π₯𝐲 πŸπŸŽπŸπŸ“Pagbati sa isang mabunga at matagumpay na SMGWMPC 68th General Assembly! Ating mul...
02/04/2025

𝐌𝐚𝐫𝐜𝐑 πŸ‘πŸŽ, πŸπŸŽπŸπŸ“ | π†πžπ§πžπ«πšπ₯ π€π¬π¬πžπ¦π›π₯𝐲 πŸπŸŽπŸπŸ“

Pagbati sa isang mabunga at matagumpay na SMGWMPC 68th General Assembly! Ating muling pinatunayan ang lakas mula sa sama-samang pagkilos hango sa isang matatag na damayan at malasakit sa isa't isa.

Ang asembliya ay naglikha ng mga produktibong talakayan na nagbigay daan para mapagtibay ang mga layunin at maglatag ng konkretong hakbang habang tinatahak ang taong 2025.

Kaisa ng buong kasapian, ating binabati at sinusuportahan ang mga bagong halal na opisyales ng SMGWMPC.

Maraming salamat sa inyong partisipasyon at patuloy na suporta. Patuloy na maglilingkod ang SMGWMPC para sa kapakanan ng miyembro sa abot ng makakaya.

Sulong SMGWMPC! πŸ‘

1st Quarter RCDC-NCR General Assembly cm Policy Consultative Educator's Forum (CEF) Empowering Cooperatives for Social ...
28/11/2024

1st Quarter RCDC-NCR General Assembly cm Policy Consultative Educator's Forum (CEF) Empowering Cooperatives for Social Enterprise Development | November 25-26, 2024

Isang malaking karangalan para sa SMGWC na maging bahagi ng educator's forum na ito na may temang "Living our Social Purpose". Mahalaga ang forum para maihanay ang mga patakaran at sistema ng kooperatiba sa mas makabago at angkop na pamamaraan, gayundin sa pagpapaigting ng panawagan sa pagtugon sa tungkulin ng kooperatiba sa kaniyang komunidad.

Nagkaroon naman ng workshops at interactive sessions na naglalayong palawakin ang commitment ng sector sa pagtugon sa hamon sa hinaharap habang tinutugunan ang kaniyang layuning panlipunan.

Lalo't higit, nagpapasalamat ang SMGWC sa pagkakataong makapagladlad ng mga produkto at serbisyo ng ating Printing Press.

Patuloy ang ating pakikiisa sa masusing pag-aaral tungo sa mas progresibong kooperatiba!

3rd Metro Manila Cooperative Congress 2024 | October 25, 2024Isa ang San Miguel Group Workers' Multi-Purpose Cooperative...
05/11/2024

3rd Metro Manila Cooperative Congress 2024 | October 25, 2024

Isa ang San Miguel Group Workers' Multi-Purpose Cooperative (SMGWC) sa isang libong delegado mula sa 200 operating cooperatives ang nakilahok sa 3rd Metro Manila Cooperative Congress 2024 na may temang "Managing for Excellence: The COOP Experience #2030" noong Oktubre 25.

Mula sa suporta ng Union of Metro Manila Cooperatives ay nagkaroon tayo ng oportunidad para mai-display at maibenta ang ilan sa produkto ng ating printing press gaya ng coloring book, sketchpad, memopad, at t-shirt.

Lalo't higit, isang karangalan na masaksihan ang iba't ibang presentasyon mula sa mga respetado at propesyunal na larangan ng pagnenegosyo.

Pagbati sa isang matagumpay na selebrasyon ng kooperasyon! Kitakits muli sa sunod na taon!

Ramdam na rin ang cooperative month spirit sa ating Cavite Satellite Office!Ang opisina po ay bukas sa ating mga miyembr...
09/10/2024

Ramdam na rin ang cooperative month spirit sa ating Cavite Satellite Office!

Ang opisina po ay bukas sa ating mga miyembro at mga nais magpa-miyembro. Maaari po kayong bumisita tuwing Lunes hanggang Biyernes 8:00AM-5:00PM.

09/10/2024

PABATID | October 9, 2024

Ang ating General Manager na si Vicvic Calvo ay naappoint ng Executive Committee ng Manila Cooperative Development Council bilang member ng Audit Committee.

Lubos ang pagkilala sa tiwala na binigay ng MCDC sa SMGWC.
Padayon sa damayan at tulungan mga kakoop!

Oktubre 1, 2024 | Gift Giving sa Sta. Mesa, ManilaNag-abot ng suporta ang San Miguel Group Workers' Multi-Purpose Cooper...
03/10/2024

Oktubre 1, 2024 | Gift Giving sa Sta. Mesa, Manila

Nag-abot ng suporta ang San Miguel Group Workers' Multi-Purpose Cooperative sa Kick-Off Activity na isinagawa ng Manila Federation of Cooperatives bilang selebrasyon ng Cooperative Month ngayong buwan ng Oktubre.

Nakapag-produce tayo ng 200pcs coloring book at sketchpad likha ng ating sariling Printing Press para dito. Nagbigay din tayo ng Grade I pad paper at notepad sa mga residente ng Brgy. 628 at 629 District VI, Manila.

Nagagalak ang SMGWC na maging parte ng isang makabuluhang inisyatiba gaya nito katuwang ang iba pang kooperatiba para makapagbigay ng ngiti at tulong sa komunidad ng Sta. Mesa.

Happy Cooperative Month!

Cooperatives: Stronger Together Today for a Brighter TomorrowAng Board of Directors, Officers, Staff, at Members ng San ...
01/10/2024

Cooperatives: Stronger Together Today for a Brighter Tomorrow

Ang Board of Directors, Officers, Staff, at Members ng San Miguel Group Workers' Multi-Purpose Cooperative ay nakikiisa sa selebrasyon ng Cooperative Month 2024.

Sa kooperatiba, mas malakas tayo kung sama sama. Happy Cooperative Month! Mabuhay ang kooperatiba!

Address

Kaykulot Road, Barangay Sungay East
Tagaytay City
4120

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when San Miguel Group Workers Multi-Purpose Cooperative posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share