09/04/2026
Paalala sa mga dadaan sa Marilaque!
β οΈ PAALALA SA MGA BUMIBIYAHE SA MARILAQUE HIGHWAY
Ipinapaalam po sa mga motorista at biyaherong dumaraan sa Marilaque Highway na may naiulat na pagguho ng lupa sa bahagi ng Palo Alto, Brgy. Pinugay, Baras, Rizal.
Dahil dito, hindi muna accessible ang nasabing bahagi ng kalsada, na nakaaapekto sa mga bumibiyahe mula Brgy. Sampaloc, Tanay patungong Cogeo at vice versa.
Pinapayuhan ang publiko na iwasan muna ang naturang ruta at gumamit ng alternatibong daan kung kinakailangan. Para naman sa mga nasa lugar, mag-ingat at maging alerto sa posibilidad ng karagdagang pagguho o pagbagsak ng mga bato, lalo na habang patuloy ang pag-ulan.
Manatiling alerto at mag-ingat po tayong lahat.