13/05/2026
Dahilan kung bakit minsan hindi sapat ang 20 years na pag-tatrabaho para makakuha ng pension
Maraming tao ang nag-aakala na basta umabot ng 20 years contributions ay automatic nang makakapag-pension sa Italy. Pero sa totoong sistema ng INPS, may iba pang factors na kailangang i-consider.
1. Minimum requirement lang ang 20 years
Ang 20 years ay minimum requirement lang para makapag-apply ng pension, pero hindi ibig sabihin nito na guaranteed ka nang maa-approve agad o sapat na ang magiging pension mo.
2. Mahalaga ang halaga ng contributions mo
Hindi lang years ang binibilang sa Italy — mahalaga rin kung magkano ang naging hulog mo habang nagtatrabaho.
Kapag mababa ang declared salary o hindi tuloy-tuloy ang hulog:
-mababa rin ang maiipong contributions;
-at posibleng maging masyadong maliit ang magiging pension.
3. Importo Soglia (Threshold Amount)
Para sa mga nagsimulang magtrabaho pagkatapos ng January 1, 1996 (contributivo puro), kailangan maabot ng pension mo ang minimum threshold (importo soglia) na itinakda ng batas.
Ibig sabihin:
-kahit may 20 years contributions ka na;
-at kahit 67 years old ka na;
-puwede ka pa ring hindi payagang mag-retire kung mababa ang pension computation mo.
Sa ilang kaso, napipilitan ang tao na maghintay hanggang 71 years old bago makapag-pension.
4. Hindi tuloy-tuloy ang hulog
Isa rin sa malaking problema ay ang “butas” sa contributions history.
Halimbawa:
-maraming taon na walang hulog;
-part-time lang;
-mababang kontrata;
-o trabaho na walang regular contributions.
Kahit technically umabot sa 20 years, posible pa ring maging kulang ang total accumulated contributions.
5. Coefficiente di Trasformazione
Sa Italy, may ginagamit na formula base sa edad ng pagre-retire.
Kapag nag-retire ka nang maaga o kulang ang naipong contributions, mas maliit ang magiging monthly pension dahil hinahati ito ng sistema base sa expected years na tatanggap ka ng pension.
Conclusion
Sa Italy, ang 20 years contributions ay parang “entrance ticket” pa lang sa pension system.
Para magkaroon ng mas siguradong pension, mahalaga ang:
-mas maraming years of contribution;
-tuloy-tuloy na hulog;
-sapat na declared income;
-at pag-abot sa minimum pension threshold na hinihingi ng batas.
For consultation: WhatsApp wa.me/393755491170