31/03/2026
PARA SA LAHAT:
Kung plano mo mag videoke sa campground nmin at mag outing ng barkada, camping site po kami
Kung plano mo mag inom ng walwalan at walang Quiet time, camping site po kami
Kung naiinitan ka sa panahon ngayon, may ilog kami pero di kami resort, camping site po kami
Kung papalipas ka ng holy week at dito ka mag iingay, magkakalat mg basura, camping site kami
Kung dadalhin mo lahat ng plastic para sa convinience mo, wag ka dito, may dahon ng saging libre lang, may tubig kami pwede magkamay, camping site po kami
Kung bakasyunan ang hanap at parang binili mo na ang lugar namin at dahil bayad ka at feeling entitled, bili po kayo condo hwag po sa farm nmin
Camping site po kmi
Ang camping site po namin ay lugar para takasan ang magulong lugar, magpahinga at huminga, pwedeng mag inum inum pero mas dapat mag muni muni, camping site po kami
Hindi dahil may tent ka, camper ka na, handa mo dapat haraping ang pagiging tao, pagiging salat, kung pano mabuhay kung sakaling wala ka. Wag kang sosyal dito, camping site kami
Ang campsite namin ay di resort para sa outing, di rin kagaya ng syudad. Matutunan mo sana ang humanidad, respeto sa kapwa tao at kalikasan. Camping site po kmi
Pinili mong pumunta sa pook na ito na dapat alam mo ang kung ano meron, magtala ng masayang ala ala na minsan pinili mo na paano maging tao. Camping site po kami kung saan mas pinili mo na maging kalmado , wag ka dito kung ikay tarantado, abusado, mapang abuso , walang respeto at di pasusweto.
Wag kang salaula, nagcamp ka para hanapin ang payapa, kung magbonefire ka hindi para sa litrato lang, kausapin mo ang apoy para matagpuan mo ang iyong sarili at ang iyong pagkatao. Hindi para ipagyabang na nag camp ka, ipagyabang mo na na nakapagpahinga ang isip mo para may panibagong lakas ka na harapin ang magulong mundo.
Camping site po ito, camper ka , hindi dahil gusto at uso. IPAGMALAKI MO NA SA PAG UWI, MULI KANG NAGING TAO! Na sana pag uwi mo kaibigan mo ako at kaibigan mo rin ang naging kpitbahay mo β€οΈ