31/07/2025
Ang aparador na ito ay naka-auction sa Salcedo Auction at may presyong 1.5 to 1.6M Pesos. Bakit? Kasi ito ay antigong narra at kamagong. Baka pamilyar sa atin ang narra pero baka hindi ang kamagong
Ang kamagong ay isa sa pinakamatitibay at pinakamamahaling kahoy sa Pilipinas — kilala rin bilang "ironwood" dahil sobrang tigas, halos hindi mapasok ng anay!
Noon, ginagamit ito sa haligi, hagdanan, pintuan, at furnitures sa mga lumang bahay ng mayayaman. 'Pag may kamagong sa bahay mo noon, ibig sabihin may kaya ka.
Ngayon, bihira na ‘to kasi protected na ng batas. Kaya kung may kamagong sa luma mong bahay, ingat-ingatan mo 'yan — heritage na ‘yan!
📸ctto Salcedo Auctions