09/05/2026
Kwentong Airbnb, Bookings, Excitement, Worries, and Trusting
So we first listed our unit end of March na, not sure if may makapansin ba. Hard work and prayers puhunan mula sa pag process para ma turn over til ma furnish.
Heto na, ready na, pero sino magbobook? Saan hahanap ng clients? Daming transients here and there. What will make them book us, or even notice us?
Bagong set up ang page, wala pang followers. bagong listing sa Airbnb, and Iâm also new as a host using this App. Kailangan kong aralin lahat nang mabilisan.
Sleepless nights in navigating the app, puyatan din sa pag post sa groups, sa pag comment sa bawat âLooking Forâ na dumaan sa wall, ubusan ng braincells sa pag iisip ng diskarte. Naging photographer instantly, napa vlog pa nga hahaha. As in kapalan nalang ng mukha coz may mangyayari ba kung magpaka shy nalang tayo sa sulok, baka ang unit tuluyan nalang mabulok.
Then eto na nga, may nag inquire! Uyy, kakakilig, pero inquire lang pala haha đ okay lang, at least napansin, tuloy pa din. Post dito, post doon, salamat din sa mga nag share ng posts po.
Finally may mga nagbook na, naka hinga na tayo kahit papaano. Thankful kahit hindi fully fully booked ay meron naman 2 nights 1 night 3 nights tapos good reviews pa kaya wow thank You Lord po talaga.
Syempre ibang hussle nanaman ang pag host, pag clean and prepare for next guest, at walang katapusang pag sagot ng inquiries. Tiyaga lang talaga.
The first 3 weeks were awesome. Saktong bookings lang at least hindi zero. So very happy ng first time Airbnb host na ito.
The next 2 weeks na sumunod is another story, na zero na nga. Huhu. I didnât stop working. Daming inquiries during those times, but nothing converted into booking. Na sad real quick. What went wrong? 5 star naman tayo. Dahil kaya di ko na naharap mag post sa groups? Andami ko na tanong, bawat araw na lumipas na walang booking nakaka stress.
I did my best, i also kept praying, and that helped a lot. Sa prayer ko nirerelease ang frustration, ang pagod na walang napala, ang expectation na hindi natupad. I learned to trust, I learned to accept, to acknowledge na reality din yan ng hosting na hindi lahat ng panahon meron. There I found peace, we are still blessed.
Later on, out of nowhere, itong isang guest namin for 1 time lang and 1 night lang, (na hindi ko masyado naka interact kasi walang inquire inquire nagbook lang agad) nag request to book our unit for almost 2 months. đźâđš sigh.
Salamat Lord. Mejo makapahinga na ang inday. Slight lang naman haha.
Thank you our dear guests. Thank you din sa roller coaster experience. I know marami pa tayong di nasubukan, weâre just getting started. Pero salamat salamat.
Magbook na po kayo for July onwards đ yun langs, til next long post hehe