06/09/2020
Namimiss mo na ba ang Baguio City?
Pormal nang bubuksan para sa mga turista mula sa Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union at Pangasinan ang Summer Capital of the Philippines sa September 21, 2020.
Ito ay base sa napag-usapan sa pagpupulong ng mga provincial government at tourism sector sa mga nabanggit na probinsya at ng city government ng Baguio, kasama si Secretary Bernadette Puyat ng Department Of Tourism.