04/08/2025
Baguio City--August 4, 2025
MOONSOON BREAK! π±π±π±
Lungsod ng Baguio, inaasahang makakaranas ng medyo umiinit na panahon dahil sa "monsoon break". Ito na ang pinakamagandang araw para sa mga nagpaplanong pumunta sa Baguio City dahil mababa ang tyansa ng pag ulan.
Batay sa latest weather report ng PAGASA, kasalukuyang nakararanas ng ang malaking bahagi ng bansa. Ang ibig sabihin nito ay medyo "humina" ang hanging Habagat at hindi ito nakakaapekto sa karamihan ng mga rehiyon sa Pilipinas, kabilang na ang Baguio City.
Sa ngayon, ang Habagat ay umiiral lamang sa "Extreme Northern Luzon", partikular sa Batanes Region at dahil dito, maaaring makaranas ng kalat-kalat na pag-ulan at pagkulog sa nabanggit na lugar.
Para sa natitirang bahagi ng Pilipinas, inaasahang magiging mainit at maalinsangan ang panahon, lalo na sa tanghali. Posible pa rin ang mga biglaan at panandaliang pag-ulan dulot ng localized thunderstorms, kaya't magandang laging may dalang payong.
Ayon rin sa PAGASA, ang moonsoon break ay "posibleng" magtaga mula ngayon hanggang Wednesday or Thursday "kung" hindi magkaroon ng bagyo sa Pilipinas. Dahil sa inpormasyon na ito, ito na ang pinakamagandang araw (Monday to Thursday) para sa mga nagpaplanong pumunta sa Baguio City dahil mababa ang tyansa ng pag ulan.
Tandaan lamang po:
Mahalagang tandaan na kahit may "monsoon break," hindi ibig sabihin na walang ulan sa Baguio. Dahil nasa mataas na lugar ang Baguio City, natural lang na makaranas ito ng mga localized thunderstorms, lalo na sa hapon. Kaya't sa mga magtutungo sa Baguio, laging maging handa. Magdala ng payong o kapote para hindi mabasa.
Shortened Version:
1. Ano ang Moonsoon Break: Humina ang Habagat sa Pinas
2. Ano ang Apektadong Lugar ng habagat ngayon: Extreme Northern Luzon (Batanes Region)
3. Ano ang panahon sa Ibang Lugar: Mainit at maalinsangan, na may posibilidad ng localized thunderstorms or katamtamang pag ulan
4. Magtatagal ba ang Moonsoon Break: @ most probably hanggang Thursday or mas maaga dahil may namumong sama ng panahon or LPA na posibleng makahatak sa habagat
5. Mainit na panahon: Yes lalo na sa maiinit n a lugar. Sa Baguio City, malamig pa rin kapag nakatambay sa hotel, pero mainit kapag naglalakad na or naglalakwatsa π
Mahalagang patuloy na subaybayan ang mga lokal na abiso mula sa PAGASA at maging handa sa anumang biglaang pagbabago sa panahon.
Source: DOST-PAGASA