15/12/2024
Sana my mag aruga nman Ngayon pasko sa batang ito.. kawawa nman cla pati Ng alaga nea..
๐ณ๐จ๐ญ๐ฆ๐ญ๐ ๐ญ: ๐ก๐ ๐ณ๐ ๐ญ๐ฆ ๐จ๐ญ๐ ๐ก๐ ๐ญ๐ฃ๐ฎ๐ญ๐ ๐ญ๐ฆ ๐ฏ๐ ๐ฌ๐จ๐ซ๐ธ๐ , ๐ญ ๐ญ๐ ๐ช๐ ๐ณ๐ ๐ฆ๐ฏ๐ฎ ๐ญ๐ฆ ๐ณ๐ด๐ญ๐ ๐ธ ๐ญ๐ ๐ฏ๐ ๐ฆ๐ฌ๐ ๐ฌ๐ ๐ง๐ ๐ซ ๐ฒ๐ ๐ช๐ ๐ญ๐ธ๐ ๐ญ๐ฆ ๐ ๐ซ๐ ๐ฆ๐ ๐ญ๐ฆ ๐ ๐ฒ๐ฎ!
Dahil sa hirap ng buhay sa panahon ngayon, maraming batang walang kamuang-muang ang namumuhay sa kahirapan dahil sa kapabayaan ng kanilang magulang.
Tulad na lang ng kalagayan ng batang si Rommel Quemenles mula sa Quezon City na sa kanyang murang edad ay nanlilimos habang nakatira sa lansangan upang maitawid ang kanyang pagkain sa araw-araw.
Ayon sa kwento, si Rommel ay mag-isa lamang sa buhay dahil siya'y nahiwalay sa kanyang mga magulang simula noong siya'y bata pa at hindi rin niya kasama maging ang mga kapatid niya.
Ayon sa nakakita sa kanila, tuwing gabi ay magkayakap pa ang dalawa kung matulog kaya naman hindi umano nababagabag ang bata kahit na delikado ang kapaligiran. Panatag umano siya dahil kasama niya si Badgi. Kaya naman, maging sa pagkain ay magkahati sila nito at tuwing makakadiskarte si Rommel ng pagkain ay binibigyan niya palagi ang alagang a*o.
Mahirap man iraos ang araw-araw, pinipilit ng bata na suklian ang katapatan at pagmamahal ng kanyang alaga sa pamamagitan ng pag-aaruga at pagpapakain niya rito.