13/04/2019
Ten Facts about Isla Verde (from a resident)
1. Malinis ang tubig sa dagat at malinaw.
2. Mataas ang diversity ng marine organisms. Sa mga scientists, exciting ito. Sa mga tourists who are not so familiar medyo delikado. Pwde kayo maka apak ng sea snake or Walo walo ng hindi nyo alam or ma sting ng jellyfish. Although so far, wla namng death incidence because of jellyfish. Therefore hindi ito good area for swimming only. Snorkeling and diving is good, siguraduhin lang na marunong kayo or may kasama kayo marunong. Malalim ang dagat.
3. Maraming puno ang lupa, na halos bundok -bundok. Bihira ang patag na daan.Good for exercise though.
4. Mahirap sa freshwater availability. Konti lang ang sources na minsan ay natutuyo pa pag summer. Common namn ito sa mga isla na wlang water system. Marami iniigib lang. Magkasya na dapat ang bawat tao sa 1 baldeng tubig for their personal cleaning needs per day. Therefore, mahal ang sinisingil para sa tubig.
5. Wlang kuryente. Ang source ng energy is normally gen set (mahal ang krudo) at solar panel (medyo limited ang nabibigay na kuryente). Mabilis dumilim sa gabi (magandang mag star gazing) though most barangays may pailaw nmn ng 6-9pm. Wlang aircon, no fancy appliances. May signal naman ang mga pocket wifi depende kung malayo o malapit sa cell site.
6. Walang palengke. Food has to be brought in. Although may mabibili nmn din. Do not expect na mura hindi dahil nagsasamantala sila kundi dahil mahal magdala ng goods sa isla dahil sa pamasahe sa bangka at pag istiba(pagbubuhat)
7. Hindi totoo na pwede kayo mag pitch ng tent anywhere you want. Sigurado may maniningil. Minsan may naniningil pero wla pang provision sa banyo at toilet. Ang mga naniningil nman ng environmental fee ay may resibo na binibigay hence they are legal. Kung wala, ask for it.
8. Just like any island, sumasakay sa bangka papunta at paalis sa isla. Minsan, lalo na sa hapon medyo malakas ang alon. Alert nman ang mga bangkero sa ganun, hindi nila kayo isasakay.
9. Ang byahe ng commuter na bangka ay 1 lang sa umaga from Batangas City, 8-9 am ang alis punta sa isla galing sa tabangao port.
10. Ang byahe ng bangka galing sa Isla ay 3am. Therefore hindi applicable dito ang day trip at masyado ring maigsi ang overnight tour.
Its OK to share this!:)