03/06/2026
📢 Advisory sa Lahat ng Guests
Nais po naming ipaalam na kasalukuyan nang panahon ng Habagat, kaya normal lamang po na makaranas ng mas malalakas na alon at hangin sa dagat compare po sa mga previous months. Maaari rin pong may mga seaweeds, kahoy, at iba pang debris na maanod sa dalampasigan dala ng pagbabago ng panahon.
Ang aming staff ay patuloy po sa paglilinis upang mapanatiling maayos at komportable ang inyong stay sa resort. Gayunpaman, may mga bagay pong dala ng kalikasan na hindi po natin makokontrol.
Pinapayuhan din po namin ang lahat na maging maingat sa paglangoy, lalo na ang may kasamang mga bata, at sundin ang mga safety reminders ng resort. Sa ilang pagkakataon, maaari ring may mga jellyfish na madala ng alon, kaya mas mabuting mag-ingat lalo na sa hapon kung kailan kadalasang lumalakas ang hangin at dagat.
Sa kabila ng mga pagbabagong dulot ng habagat, nananatili pa rin ang ganda ng dagat, sariwang hangin, at masayang beach experience na naghihintay sa inyo.
Maraming salamat po sa inyong pag-unawa at inaasahan namin ang inyong ligtas at masayang bakasyon dito sa Alexis Beach Resort. 🌊🏖️🌴
Nature may change from day to day, but our commitment to giving you a wonderful stay remains the same. 💚
To ensure a secure transaction, kindly coordinate only through our official channels:
Official page:
(Online hours: 8am - 10 pm daily)
Official Mobile No: 0916-211-6116
Contact Person: Ms. Cecil (Admin)
Location: Brgy Locloc, Bauan, Batangas