25/08/2025
Itoooo na . Ang aming experience sa pinaka bagong conveyor sushi ng Dagupan.
Fuji Treasures Japanese Cuisine.
🍣🍣🍣🍣
Meron silang unli tsaka ala carte orders.
Yung unli uupo ka sa tabi ng conveyor belt.
Sa unli may 799 at 599 pesos
Ang pinag kaiba, yung 799 pwede ka kumuha ng mga sashimi (yung mga hilaw).
Both options may kasama ng drinks (iced tea or hot tea na unli rin) , sabaw and rice.
799 yung inavail namin for the sashimi option.
Take note pala na need ng reservation dahil limited and seating‼️
Tumawag kami night before, may 100 pesos per person na fee pero ibawawas naman sa total payment pag dating.
May oras din sila sa conveyor belt seating 11am - 2pm tsaka 5pm-9pm
Our experience⬇️⬇️
🔹Mabilis naman kami nakaupo, nice yung mga staff. They answer questions / inquiries.
🔹vibe is okay, malinis naman. Music is okay, very Japanese and not too loud.
🔹 sa conveyor nila medyo okay naman yung options pag hindi ka familiar sa Japanese options. Yung picture sa damit ng kasama ko, yan yung mga sikat na sushi.
🔹 sa Fuji, hindi mo malalaman yung mga kinakain mo dahil walang label yung umiikot. Kung familiar ka good for you.
🔹hindi rin nila binibigay yung menu unless yung asked for it. We did, kasi may time na naubos na yung gusto namin sa conveyor at oorder na sana kami ng iba directly. Pero again, hindi namin alam kung alin yung nasa belt vs yung hindi pa namin nakain.
🔹sa mga umiikot na food meron silang talaba, salmon, tuna , edamame, egg, tempura. Yan lang tumatak sakin.
🔹 yung sushi master mabait naman, nag request kami sakanya ng iba pang sushi and nadeliver naman.
🔹Manageable bite sized food.
❓ sulit ba?
All in all, naka 32 plates yata kami.
So pag cinompute mo just for the sake of knowing…
799 x 2 = 1,598 pesos
Divided 32 plates 49.93 pesos per mini plate.
Kung mas matakaw ka, mas sulit.
Our verdict: 6/10
Okay, thanks. Bye.