12/06/2020
Maligayang Araw ng Kalayaan sa ating lahat! 🇵🇭🇵🇭🇵🇭
Remember.
The sacrifices made by so many, the lessons of the past, the challenges of today, and the hope of having a better future.
We honor our countrymen who contributed to the freedoms that we protect today. They are our heroes who not only used guns to resist, but also those who held pens, plows, and bandages.
Each generation was given the opportunity to write their history and the lessons that it should leave behind. Have we filled ours knowing that we have done enough to leave a legacy of integrity and compassion? That we held the line and stood our ground when it was asked of us? We are still writing ours, and we are helping the next generation with theirs.
When I was still a kid, I asked my father why run for office knowing that he would lose. I never forgot what he told me: We fight even if we know that we can lose, we fight not only for ourselves, but for those who cannot fight for themselves, we fight because there is a need to fight, we fight because there is hope, and hope is what we all need to make changes.
We celebrate our independence day with gratitude. Salamat po sa lahat ng nagsakripsiyo para sa ating kalayaan at patuloy na nagbibigay ng pag-asa sa ating bansa!
---------------------
Lagi nating isa-isip ang mga aral ng kahapon, hamon ng ngayon, at ang pag-asa ng mas magandang bukas sa ating pag-ahon.
Ngayong araw, ginugunita natin ang kabayanihan ng ating mga kababayang naging bahagi ng pagkamit ng ating kalayaan gamit hindi lamang ang mga baril kundi pati na ang pluma.
Ang bawat henerasyon ay binibigyan ng pagkakataong isulat ang kanilang kasaysayan at aral na ibababhagi sa susunod. Sapat ba ang ating ginagawa para iwan ang legasiyang puno ng intigridad at pakikipagkapwa-tao? Naging matatag ba tayo sa ating prinsipyo at pinaniniwalaan sa hamon ng panahon? Patuloy nating sinusulat ang ating kasaysayan habang tinutulungan ang susunod na henerasyon na isulat ang kanila.
Noong ako'y bata pa, tinanong ko ang aking ama kung bakit ba kailangang tumakbo pa kung alam naman nating matatalo din naman? Hindi ko malilimutan ang kanyang sagot: Lumalaban tayo hindi lang para sa sarili natin, kundi para sa mga taong hindi kayang ipaglaban ang kanilang sarili. Lumalaban tayo dahil may dapat ipaglaban. Lumalaban tayo dahil may pag-asa, at ang pag-asang iyon ang kailangan natin para maghatid ng pagbabago.
Ginugunita natin ang Araw ng Kalayaan na may pusong puno ng pasasalamat. Salamat po sa lahat ng nag sakripsiyo para sa ating kalayaan at patuloy na nagbibigay ng pag-asa sa ating bansa!