12/11/2025
Paano Malaman Kung Scammer ang Page na kausap mo:
1. Mag-ingat kung saan ka magbabayad:
• WAG magpadala sa online gaya ng CIMB, BPI Byve, or Maybank, dahil kapag online kahit mali ang account name na binigay ni scammer papasok parin ang pera sa knila , kaya madaling ma-peke. Account number lang sa pag tatransfer makakapag transfer na, kya napapaltan ng scammers ang account name nila at pinapaltan ng name ng ginagaya nilang resort ang isesend na account details sayo.
• Mas safe kung BDO, BPI, or Metrobank over-the-counter , ask the teller if tugma ang account name na binigay ng resort na kausap mo sa record nila.
2. Magtaka ka kung lahat ng date ay available. Lalo na kung peak season na at kilala ang resort, bakit lahat ng date open pa?
Scammer yan, kailangan nila sabihin “available” kasi hindi naman sila makakakuha ng maloloko kung not available na ang date na hanap mo.
3.Mag-request ng video call.
Kung legit yan, game na game sa video call, minsan nga unlimited pa.
4. Too good to be true na rate may food included pa? RED FLAG yan! Napakaganda ng resort pero super baba ng rate? Baka scam yan.
5. Magtanong sa previous guests.
Politely ask yung mga guest na nagshare ng post from the legit page, kung saan sila nagbayad at anong page ang kausap nila.
6. Know the resort background.
Ang Monzon Beach House ay newly acquired ng bagong owner ngayong taon lang, kaya this year lang din ang page.
Dati itong Westcoast Beach Resort, at ang bagong may-ari ay siya ring may-ari ng The Sands at San Antonio-Zambales na may 110k followers at Arabella private Villas-Laguna na may 138k followers at lahat naka BLUE CHECK verified page ng Meta.
Pwede kayong magpa-legit check sa official page ng The Sands and Arabella private villas sa legitimacy ng page ng Monzon beachhouse.
7. Wag ka na magtanong kung “legit” ba sila. Syempre sasabihin nila oo, kahit scammer yan, hindi aamin na fake sila. 😊
Sanay makatulong ang mga tips na ito hindi lang sa pag iinquire nyo sa amin pati narin sa ibang establishment na ma pag tanungan nyo , Please be vigilant at all times. 🙏