28/06/2026
BABALA: MAY NAGPAPANGGAP NA HENJEN HOMESTAY ⚠️
Paalala po sa lahat na may mga pekeng account na gumagamit ng pangalan at mga larawan ng Henjen Homestay upang magpanggap na sila ang aming opisyal na account.
Para sa inyong kaligtasan, nais naming ipaalam na iisa lamang ang aming opisyal na account, at lahat ng bayarin ay dapat lamang ipadala sa aming opisyal na online banking account na nakapangalan kay Hendrix Mendoza.
Lubos kaming nalulungkot na sa kabila ng aming tapat na serbisyo, may mga taong pinipiling manloko at sirain ang reputasyon ng maliliit na negosyo.
📌 Ang account na nasa larawan ay PEKE at walang kaugnayan sa Henjen Homestay.
🙏 Nakikiusap po kami sa inyong lahat na i-report agad ang account na ito at maging mapanuri upang hindi mabiktima ng scam.
Maraming salamat po sa inyong patuloy na tiwala, suporta, at pag-iingat. Nawa'y matigil na ang ganitong panloloko at mapanagot ang mga nasa likod nito.