27/05/2026
Mag ingat sa fake booking mag tanong muna sa Buruanga Tourism Office kon accredited ang mga resort dito sa Bel-is, Buruanga para hindi ma scam.
(Kalibo, Aklan)-- Dismayadong nagtungo sa himpilan ng pulisya ang isang 30-anyos na babae matapos na mabiktima ng online scam ng pekeng page na nagpapakilalang “Tuburan Cove Beach Resort” sa Buruanga, Aklan.
Ayon sa complainant, nagbayad siya ng ₱18,200 bilang down payment para sa reservation ng kanilang company outing na nakatakda sana ngayong Mayo 27 hanggang bukas, Mayo 28, 2026. Ipinadala umano niya ang bayad sa pamamagitan ng GC ash account na nakapangalan kay “Gleay Victoriano.”
Kalaunan, humingi pa umano ng karagdagang ₱5,000 bilang security deposit ang naturang page. Ngunit nang muli siyang mag-message noong Mayo 21, hindi na umano siya makontak ng nasabing account.
Sa kanyang beripikasyon, natuklasan niyang walang record ng kanyang reservation sa lehitimong resort.
Ang insidente ay ini-refer na sa Regional Anti-Cybercrime Unit 6 (RACU 6) sa Iloilo City para sa masusing imbestigasyon.