03/02/2025
Guide How To Avoid Resort Booking SCAMS‼️
1. Ocular visit ng resort - 100% RELIABLE‼️
Pag hindi po busy at may time para pumunta, ito ang pinaka siguradong paraan para maiwasan ang scam.
2. Ocular thru Live Video Call ng resort- 100% RELIABLE ‼️
Walang scammer ang pwede makapasok sa loob ng resort. Makakatipid sa oras at effort. Siguraduhin po muna na nagustuhan nyo sa pictures ang resort na gusto nyong ipaocular ng live video call. Kung sakali po na hindi nyo nagustuhan ang resort pagkatapos ng live video call, mangyari po na magpaumanhin at magpasalamat sa agent/or sa tao bilang dispensa sa abala sa oras, pagod, at effort.
3. Checking ng Facebook profile ng kausap, use common sense, maging mapanuri, search din ang mga posts tungkol sa kausap na tao. 90%PLUS RELIABLE ‼️
Maging mapanuri lang po tayo sa Facebook profile ng kausap at gamitin ang ating kaisipan sa mga nakikita sa mga posts ukol sa kausap natin, ito po ay epektibong paraan para makaiwas sa scam. At Isa pang indikasyon ng scam ay ang presyo ng resort. WALA PONG MAGANDANG RESORT NA MASYADONG MABABA LALO NA KUNG WEEKEND (Friday to Sunday).
4. Legitimacy Vouching/Checking sa Groups- 70% RELIABLE
Ito po ay mababa ang reliability dahil may mga grupo na magkakasabwat upang sabihing legit ang kausap. May mga pagkakataon ding wala namang nagvovouch o nagcocomment na legit sa kadahilanang hindi naman gaanong kilala sa groups ang kausap pero lehitomong sigurado.
Note:
Bilang respeto po sa kausap, kung nagpalive video call na po kayo ng resort, huwag na po kayong magpapalegit check sa groups sa kadahilanang mas mataas po ang reliability ng live video call kumpara sa legitimacy checking sa groups.
Sa mga paraang nabanggit ito po ay sapat na upang maiwasan ang mga SCAMMER.
God bless us all po‼️💯❤️🙏