30/09/2026
DAPAT ALAM MO: Sa ilalim ng batas ng Pilipinas (Republic Act No. 9994 o ang Expanded Senior Citizens Act), nakadepende sa uri ng package o promosyon kung sakop ito ng Senior Citizen (SC) discount.
1. Espesyal na Promotional Discounts ("No Double Discounting" Rule)
🟥Kapag ang restaurant ay may pansamantalang promotional discount (halimbawa: 50% off promo, Buy 1 Get 1, o bank credit card promos):
✅Bawal ang Pagsasama (No Stacking): Hindi pwedeng ipagsama ang senior citizen discount sa isa pang promotional discount.
✅Karapatang Pumili (Option to Choose): May legal na karapatan ang senior citizen na piliin kung alin ang mas pabor sa kaniya, ang promo price ba ng restaurant O ang regular price na binawasan ng 20% SC discount at 12% VAT exemption.
2. Standard Menu Package Promos & Group Sets (hal. Bucket Meals, Family Sets, Combo Meals)
🟥Para sa mga karaniwang menu package deal na iniaalok sa publiko (tulad ng chicken buckets, pizza group meals, o set menus para sa 4–5 katao):
✅Pwedeng Gamitan ng SC Discount: Hindi pwedeng tanggihan ng restaurant ang SC discount dahil lamang ibinebenta ang item bilang "value meal," "combo," o "group package."
✅Pro-Rated na Pagkwenta: Dahil ang package ay para sa maraming tao, ang discount ay ilalapat lamang sa personal na parte (share) ng senior citizen.
FOLLOW PASCA Senior Citizens-Caloocan FOR MORE!