08/08/2021
𝗢𝗣𝗜𝗦𝗬𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗛𝗔𝗬𝗔𝗚
𝗞𝗮𝘂𝗴𝗻𝗮𝘆 𝗻𝗴 𝗞𝗮𝗹𝗲𝗻𝗱𝗮𝗿𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗺𝗽𝗮𝗮𝗿𝗮𝗹𝗮𝗻 𝘀𝗮 𝟮𝟬𝟮𝟭-𝟮𝟬𝟮𝟮
Agosto 07, 2021 – Matapos ipahayag ng Pangulo ang kaniyang desisyon patungkol sa pagbubukas ng darating na taong panuruan, isinaayos ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) ang Kalendaryong Pampaaralan sa SY 2021-2022, na itatampok pa rin ang pamamaraang blended learning sa paghahatid ng pangunahing edukasyon.
Kaugnay sa naunang anunsiyo, magbubukas ang SY 2021-2022 sa Setyembre 13, 2021. Magtatapos naman ito sa Hunyo 24, 2022, na may bilang na 209 school days bilang pagsunod sa Batas Republika 7797 (An Act to Lengthen the School Calendar from Two Hundred (200) Days to Not More Than Two Hundred Twenty (220) Class Days).
Hindi pa rin papayagan ang pagsasagawa ng face-to-face classes, ito man ay limitado o lahatan, maliban kung ito ay pahintulutan ng Pangulo.
Magsisimula ang enrollment period sa Agosto 16 hanggang Setyembre 13, 2021 samantalang ang Christmas Break naman ay sa Disyembre 20 at magpapatuloy ang klase sa Enero 3, 2022.
Ipagpapatuloy namin ang pagkatuto at pagiging malikhain mula sa nakaraang taon ng pagkakaroon ng pandaigdigang krisis. Habang hinaharap natin ang panibagong taong panuruan sa ilalim ng new normal, sama-sama tayong magsikap, kasama ang ating partners, lokal na pamahalaan, at iba pang education stakeholders, na masig**ong magpapatuloy ang pagpapatupad ng Basic Education – Learning Continuity Plan (BE – LCP) at pagpapatatag ng kampanya tungo sa dekalidad na edukasyon, Sulong EduKalidad, na sinimulan natin bago ang pandemya.
Para sa karagdagang impormasyon, makikita ang kabuoan ng DO ukol sa School Calendar and Activities for SY 2021-2022 sa: https://bit.ly/DO29S2021.