22/08/2026
Sa patuloy na pagtaas ng tubig baha sa Northville 9, at Brgy. Iba O’ Este, isang bagay ang muling pinatunayan—sa oras ng pagsubok, hindi nag-iisa ang ating komunidad.
Taos-pusong pasasalamat mula kay Kap. Alex Manio at sa Sangguniang Barangay ng Iba O’ Este, kasama ang Balai Zoilo Teresita Private Resort and Events Place, sa AR Foundation Inc. at kay Sir Alden Richards() sa inyong agarang pagtugon, malasakit, at pagtulong sa ating mga kabarangay na patuloy na apektado ng baha. 🙏
Sa bawat tulong na inyong iniabot, hindi lamang pangangailangan ang natugunan—kundi pati ang pag-asa at lakas ng loob na muling bumangon.
Maraming salamat sa inyong pusong handang tumulong, malasakit na walang hinihinging kapalit, at bayanihang tunay na ramdam. 🤗
Mula sa puso ng Iba O’ Este, maraming-maraming salamat po! 🧡💚