11/05/2025
3yrs as a couple (pandemic era) 3yrs married last April 22. Simula kinasal kami Kasama na talaga sa Goal namin na magkababy agad since we're both in 30's. Sympre gusto namin pag tanda namin malalaki na din anak namin. 2yrs TTC lagi OLATS at nag aabang ma delay pero lagi bigo. We decided magpaalaga sa OBGYN. naka 3 or 4 session din kmi at nag comfy sa mga laboratory test na pinagawa ni Doc. Wala nman Nakita problem pero mag 1 yr na wala pa din π’. Nov. 2024 last session namin. sav ko sa husband ko last na yun. ayaw ko naπ₯Ί. Nauumay na ko sa mga meds at vitamins. Mabigat na din sa bulsa. During checkup sav ni doc Malaki daw chances na nakabuo since Malaki Yung mga na produce na egg. Pero nakakalungkot kasi pagka December dinatnan pa din ako. Asawa ko ayaw pa sumuko gusto nya pa magtry pero ako ayaw ko na Muna. Sav ko Wala nmn Ako sakit and Wala ka din sakit. baka hindi palang tlga para sa atin. Hintayin na lang natin in natural way. Once a month lng kmi magkita kc manila ako at probinsya sya nag work. Pag-uwe ko December Yung off nya 1 araw lng yun tatapat sa fertility ko. Nakakalungkot na uuwe ako manila sa isip ko wala na naman to. Sumapit New year eve at lumipas 3 kings . d pa ko dinadatnan. kinakabahan na ko pero ayuko umasa. Wala Ako kc nararamdaman na kakaiba. sav nila may mga nararamdaman ka. pero 9days na ko delay. Ayuko mag PT masasaktan na naman ata ako pero may nag uudyok sa isipan ko na mag PT ako. Then naghalongkat ako at may nakuha akong EXPIRE NOV 2024 na PT. Ginamit ko Yun at bun lumitaw 2 lines natulala ako . Hindi ko alam ano nararamdaman ko. Nag Duda din ako kung totoo o hindi kc expired PT na yun. Ayuko tlga umasa pero nakakakita ko pag-asa. Di ko Muna sinabi sa asawa ko. ayaw ko umasa din sya. gusto ko sigurado kc alam ko kung gaano nya na ka gusto magkaanak. The next naikwento ko sa office friend ko at she initiated na bumili ng PT. sya MISMO bumili. Pagkauwe ng gabi try ko ulit. Naiyak Ako kc 2lines ulit π’π₯Ίβ£οΈβ£οΈβ£οΈ. Agad ko ibinalita sa asawa ko na nasa malayo at ramdam ko kasiyahan nya. Agad agad din ako nag pa appointment sa aking Doctor. Grabe my perfect timing tlga si God sa pagbigay Ng blessings. sa panahon pa na di ko na inaasahan sana kc Hindi na kmi nag balik kay doc noon December. Sa ngayon excited na kmi na nagpaplano sa paglabas ni baby. Thank you God sa lahat ng strength na binigay nya sakin every milestone of pregnancy at sana healthy si baby. Hindi madali pero gumagaan kapag madami nagmamahal lalo pag meron Kang responsableng , mapagmahal at maalagang asawa. Thank you Lord sa blessings na ito.