10/05/2026
Ang pagiging “nanay” ay hindi na lang basta salita, isa na itong uri ng pagmamahal na hindi nasusukat sa dugo, kasarian, o estado sa buhay.
- Para sa mga single mom na walang sawang lumalaban araw-araw.
- Sa mga inang piniling magmahal at kumupkop ng anak bilang tunay nilang pamilya.
- Sa mga biyolohikal na ina na buong pusong nag-aaruga.
- Sa mga amang tumayong ina para sa kanilang mga anak.
- At para sa mga miyembro ng LGBTQ+ community at lahat ng taong naging ilaw, gabay, at tahanan ng isang bata, kayo rin ay bahagi ng diwa ng pagiging ina.
Ngayong Mother’s Day, saludo ang Damara Hotel at Ciudad Elmina sa lahat ng anyo ng pagmamahal na marunong mag-alaga, umintindi, at magsakripisyo nang walang kapalit.
Maligayang Araw ng mga Ina sa lahat ng may pusong mapagmahal.