23/09/2026
23 September 2026
Isang pangarap na nagsimula sa maliit na ideya...
Noon, pangarap lang namin na makapagbigay ng mas maayos at mas malapit na serbisyo sa bawat Pilipino. Alam namin hindi madali. Maraming pagsubok, maraming puyat.
Pero hindi kami sumuko.
At ngayon, sa wakas...
OFFICIALLY PARTNERED: SIDLAC 🤝 Cebuana Lhuillier 🫶
Hindi lang ito basta partnership. Ito ay tiwala. Tiwala ng isang institusyon na pinagkakatiwalaan ng milyong Pilipino - Cebuana Lhuillier - na may 2500+ branches nationwide.
Para sa amin sa SIDLAC, malaking karangalan ito. Ibig sabihin, mas marami na tayong matutulungan. Mas maraming komunidad ang maaabot. Mas maraming Pilipino ang makakaramdam ng serbisyong totoo at maaasahan.
Sa lahat ng sumuporta sa amin simula umpisa, maraming maraming salamat. Kayo ang dahilan kung bakit nandito kami ngayon.
At sa Cebuana Lhuillier, maraming salamat sa pagtitiwala. Sabay tayong lalago, sabay tayong magsisilbi sa bayan.
Ito pa lang ang simula. Mas marami pa tayong magagawa together.
Para sa bawat Pilipino. Para sa mas magandang bukas. 🇵🇭