17/06/2019
STAYCATION IN MANILA FOR 2,000 pesos for 21 hrs!!!
AVAILABLE JUNE 18, 19, 24, 25 and 26.
Most dates in JULY ARE STILL OPEN!!!
LOCATION: RIVERGREEN RESIDENCES, SANTA ANA MANILA
along pedro gil st... malapit sa Sta Ana Church, savemore at OB montessori.
Good for 4 pax na po yung 2,000 pesos per night. Ang tutulugan po ay 1 queen bed at 1 sofa bed.
Questions and Answers:
1. Ano po ang included sa 2,000 pesos?
- Lahat po ng nasa unit ay libre nyong gamitin. Meron po tayong induction cooktop at cooking tools (pwedeng pwede pong magluto sa unit). Meron po tayong split type A/C. Unlimited wifi, smart TV, heated shower, small fridge (slightly bigger than a personal fridge), rice cooker, microwave, etc. Provided po ang 1 fleece blanket at 1 cotton blanket. 2 towels and 2 face towels.
2. Meron bang extra charges?
- separate po ang parking at pool fees. (Details at #3 for the pool) Ang babayaran po upon check in ay yung balance after deposit, at 1k na security deposit.
3. Magkano po ang pool access fee at ano ang rules sa pool?
- ang pool ay 100 for adults, 50 for kids per head per day.
-open po ang pool from 7am to 12 ng tanghali at 4pm to 7pm. CLOSED ON MONDAYS.
-dapat po ang suot ay spandex material / tela at bawal ang may zipper.
4. Anong oras ang check-in at out?
- 2pm ang check-in, 11am ang check out. 100 pesos per hour kung mag eextend more than 21 hrs. Depende kung papayagan kayo ng caretaker.
5. Ilan ang pwede sa unit?
-Recommended po namin hanggang 4 pax lang, dahil ang tutulugan ay 1 queen bed at 1 sofa bed lang po. Wala po kaming extra bed or mattress.
6. Ano po ang mga bawal sa unit?
- STRICTLY NO-SMOKING
- bawal magluto ng kahit anong matapang/mabaho ang amoy
-after 10pm at before 7am, BAWAL ANG MAINGAY.
Paano po magpa-reserve?
- please contact our page. Make sure na available po yung requested dates nyo. Pag na-confirm na po na available, ibibigay po namin yung account numbers (BPI OR UCPB) ng banko. Bibigyan po namin kayo ng 2 full banking days para ma deposit ang reservation fee.
Ang reservation fee ay 500 pesos per night (MAX of 1,500 pesos).
Kapag lumampas na ang 2 full banking days at hindi nakapag deposit, ioopen namin ang dates nyo for other guests. Make sure makipag chat kayo sa amin para siguraduhin na available pa rin ang dates nyo bago mag reserve.
NON-REFUNDABLE ang reservation fee, pero pwedeng ilipat ng dates. Isang beses lang pwede magpalit ng dates o mag-transfer sa ibang tao. After ng isang pagpapalit ng date o pag transfer sa ibang tao, FORFEITED na ang reservation fee kapag hindi pa din natuloy after magpalit.
FORFEITED din ang reservation fee kapag mag-cancel kayo o hindi makatuloy aa requested date within 5 days ng stay date nyo. For example, June 3 kayo mag-stay, pero nag cancel kayo ng May31. Hindi po namin kayo irerefund. Pero pwede kayong magpalit ng petsa kung available.
7. Security deposit
- ang security deposit po ay 1,000 pesos at ibabalik upon check-out kung walang nawala o nasirang gamit. Bago po kayo magbayad sa caretaker, nasa process po namin na ipapakita namin na gumagana lahat ng appliances at walang sira/damage na halatang-halata. Papipirmahin po namin kayo ng kasulatan na sumasangayon kayong magbayad sa anumang mawala o masirang bagay. Meron po kaming pricelist ng aming mga gamit. Kung sino ang pumirma at nagbigay ng valid ID ay syang magiging responsable sa anumang masira o mawala sa unit habang kayo ang aming guest.
-maari kaming magfile ng police report kung kayo ay hindi makapagbayad.
***mag-message lang po kayo sa page namin kung may tanong kayo or ready na kayong magpa-reserve***