20/11/2025
CREAMY MAJA BLANCA Recipe na di ka Papalpak!
INGREDIENTS:
2 cups cornstarch (mas maganda na nasa box gamitin mo)
1 can cream of corn (1 big can, cream-style)
4 cups coconut milk (pwede yung mga canned)
2 cups water (or fresh milk)
1 can (300 mL) condensed milk
1 can (370 mL) evaporated milk
1 cup whole corn kernels
Sugar to taste (adjust ang asukal depende sa tamis na gusto mo)
Grated cheese (for toppings)
PROCEDURE:
1. Ihanda ang mga molders at lagyan ito ng dahon ng saging. Ibrush ang mga ito ng tunaw na butter (o mantika) para hindi masyadong dumikit ang maja blanca.
2. Sa isang bowl, paghaluin ang cornstrach at tubig (o gatas). Haluin ito hanggang matunaw. Set aside muna.
3. Paghaluin ang gata, cream of corn, condensed milk at evaporated milk sa kaserola. Tikman ito at dagdagan ng asukal kung kailangan. Haluin ito para matunaw ang asukal. Pakuluan ang mixture gamit ang katamtamang apoy.
4. Kapag kumukulo na ang mixture, hayaan itong maluto ng 5 minutes pa para maluto ang gata. Ilagay ang corn kernels at haluin ng konti.
5. Ilagay ang tinunaw na cornstarch habang hinahalo ang mixture. Siguraduhing wala itong lumps bago ihalo sa maja blanca mixture. Haluin ang maja blanca ng mabilis at tuloy tuloy hanggang sa maging malapot at malagkit. Lutuin pa ito ng 8 minutes sa mahinang apoy habang patuloy na hinahalo.
6. Pagkatapos ng 8 minuto ng paghahalo, ilipat ang maja blanca mixture sa molders ng mabilisan dahil mabilis itong magset. Pantayin ang ibabaw nito gamit ang kutsara. Palamigin ito bago lagyan ng grated cheese sa ibabaw.
ENJOY!