08/07/2026
Alam mo bang ang Enchanted River sa Hinatuan, Surigao del Sur ay sinasabing binabantayan ng mga espiritu?
Tinawag itong "enchanted river" dahil sa kristal na bughaw nitong tubig at misteryosong lalim.
Ayon sa alamat, may mga diwata at engkanto rito, at tuwing fish feeding ay lumalabas ang daan daang isda na tila may mahiwagang tawag.
Hanggang ngayon, nananatili itong isa sa pinakamahiwagang ilog sa Pilipinas.