20/06/2019
GREAT NEWS!!!
Maaari na po kayong MAGBAYAD ng inyong BILLS sa aming branch ONLINE gamit ang inyong GCASH at Facebook or Messenger account. Dahil po sa serbisyong ito, hindi na po kayo kailangang pumunta, pumila at mag-antay sa aming branch para maprocess ang inyong babayaran.
Pakisundan na lamang po ang mga sumusunod na procedures upang magamit ang nasabing serbisyo.
PROCEDURE SA PAGBAYAD GAMIT ANG GCASH APP.
1) BUKSAN ang inyong GCASH account.
2) PILIIN ang “Send Money”.
3) PILIIN ang “Express Send”.
4) ILAGAY ang “09060586054” sa “Enter mobile number” na space.
(Ito po ang mobile number na aming gamit sa aming GCash account.)
5) Ilagay ang “AMOUNT” na inyong babayaran kasama na ang SERVICE FEE o CONVENIENCE FEE kung mayroon man.
(Kung hindi po kayo sigurado sa service fee or convenience fee, maaari nyo po kaming tawagan o i-text sa aming mga contact numbers na 997-5132 o 09209035719.)
6) Pindutin ang DONE.
7) Sa susunod na page makikita po ninyo ang RICHMOND D. at ang aming number na 09060586054 gayundin po ang amount na inyong babayaran.
8) Sa “Type a short message na box”, pakilagay na lamang po ang “Bills Payment for ”.
(Sa blank space po ay maaari ninyong ilagay ang Meralco, Maynilad, PLDT at iba pang billers depende sa inyong babayaran.)
9) PAKIDOUBLE-CHECK po muli ang AMOUNT na inyong babayaran kung nakasama na po ang SERVICE FEE o CONVENIENCE FEE.
10) Pindutin po ang “CONFIRM” upang masend po ang inyong bayad sa aming account.
PAALALA: Importante po ang susunod na procedure kaya paalala po na huwag ninyong kaligtaan o kalimutan.
11) IMPORTANT: Kuhanan po ng Screenshot ang “Successfully sent to” na page. Ito po ay ang magsisilbi ninyong PROOF OF PAYMENT at ito din po ay inyong ia-attach sa inyong message sa FB kasama din po ang screenshot ng inyong UPDATED Billing Statement o Statement of Account.
12) Pindutin ang “DONE” at mag-exit sa GCash.
PROCEDURE SA PAG-SEND NG PROOF OF PAYMENT AT UPDATED BILLING STATEMENT OR STATEMENT OF ACCOUNT GAMIT ANG INYONG FB OR MESSENGER ACCOUNT.
1) BUKSAN ang inyong Facebook or Messenger account.
2) I-SEARCH po ang aming FB Page: at piliin ang BAAM Bills Payment & Remittance Services.
3) PINDUTIN ang “SEND MESSAGE” button.
4) Sa message box, isulat po ang “Bills Payment for ”. (Meralco, Maynilad, PLDT, etc)
5) I-ATTACH po ang screenshot o picture ng inyong UPDATED na Billing Statement o Statement of Account at ang inyong Proof of Paymnet (GCash). Kailangan po na magkasama ang dalawang attachment upang maprocess ang inyong bill.
6) PINDUTIN po ang “SEND” upang mareceive namin ang inyong message.
Kapag nareceive na po namin ang inyong message kasama ang dalawang attachment, ito po ay amin nang ipa-process.
Kayo po ay makareceive ng notification message galing sa Expresspay o sa aming branch sa oras matapos po namin maprocess ang inyong bill.
Maaari din po ninyong daanan ang inyong resibo sa aming branch sa oras na inyong kagustuhan.
MAHALAGANG PAALALA
1) Maaaari po kayong magbayad sa amin ng mga bills kahit lampas na po ito sa due date maliban lamang sa PrimeWater.
2) Para sa Meralco bills, hanggang 4 days lang po pagkalampas ng due date maaari namin itong iprocess. Kapag lumampas na po sa 4 days ay hindi na po ito tatanggapin sa aming system.
3) Nagkakaroon lamang po ng SERVICE FEE ang inyong bill kapag lampas na po sa due date ninyo ito mababayaran.
4) Ang mga credit card payments po ay may SERVICE FEE kahit mabayaran bago mag-due date at may 3 days na posting maliban lamang sa BPI at AUB.
5) Ang mga billers gaya ng Home Credit, Cashalo, Aeon at iba pa ay mayroong CONVENIENCE FEE.
6) Maaari po kayong magsend ng sabay-sabay na bill ngunit kanya-kanya po na Proof of Payment ang aming kailangan sakaling may partial payment po kayo na babayaran.Maaari po kayong magbigay ng additional instructions sa amin sa inyong message.
7) Maaari po kayong MAGPALOAD o CASH-IN NG INYONG GCASH ACCOUNT SA AMING BRANCH.