08/08/2026
keep safe everyone🙏🏻
UPDATE: LIAN, NANANATILI SA RED WARNING LEVEL
11:00 PM | August 8, 2026
Patuloy na pag-iingat sa Lian, Batangas dahil sa banta ng matinding pagbaha dala ng Southwest Monsoon (Habagat).
🔴 RED WARNING LEVEL
Associated Hazard: Serious Flooding in flood-prone areas
Ayon sa Heavy Rainfall Warning No. 30 ng PAGASA NCR-PRSD, kabilang pa rin ang Batangas sa RED WARNING LEVEL, na may kaugnay na banta ng seryosong pagbaha, partikular sa mga lugar na mababa at flood-prone.
Patuloy na nakararanas ng malalakas at tuloy-tuloy na pag-ulan ang Lian, Batangas dahil sa epekto ng Enhanced Southwest Monsoon (Habagat).
Sa kasalukuyan, nakatatanggap na rin ang MDRRMC ng mga ulat at kahilingan mula sa ilang residente na nangangailangan ng rescue dahil sa patuloy na pagtaas ng tubig sa kanilang mga lugar. Dahil dito, muling hinihikayat ang mga residenteng nasa mga flood-prone area na magsagawa ng preemptive evacuation habang ligtas at maaari pa, sa halip na hintaying lumala ang sitwasyon bago kumilos.
Patuloy na pinaaalalahanan ang lahat ng residente ng Lian na manatiling mapagmatyag at handa, lalo na ang mga nakatira malapit sa ilog, sapa, baybayin at iba pang lugar na maaaring mabilis tumaas ang tubig.
Kung kinakailangan naman ng agarang paglikas o rescue dahil sa tumataas na tubig at hindi na ligtas na makalabas, makipag-ugnayan agad sa inyong Barangay Officials upang maiparating ang inyong sitwasyon at maayos ang kinakailangang pagtugon.