18/06/2026
Sige na, beke nemen. π₯ΉπΏ
Kung may balak kayong mamasyal sa Lucban, baka naman puwedeng isama sa options ninyo ang Casa Ana Solana.
Hindi kami resort. Hindi rin kami luxury hotel.
Isa lang kaming simpleng bahay na napapalibutan ng mga puno, preskong hangin, at katahimikan na bihira na sa panahon ngayon. Bonus pa, may ilog sa tabi ng property kung saan puwede kang umupo, magmuni-muni, at pakinggan lang ang agos ng tubig habang nagpapahinga.
Para sa mga pagod.
Para sa mga gustong mag-journal.
Para sa mga may mabigat na iniisip.
Para sa mga nagpapahinga.
Para sa mga nagmo-move on.
O para lang sa mga gustong marinig muli ang sarili nilang mga iniisip.
Bago namin ito buksan sa mga bisita, ipinagdasal namin ang bahay na ito. Ang dasal namin kay God ay simple lang: na bawat taong papasok dito ay makaranas ng kapayapaan, pahinga, at kahit kaunting paghilom ng pagod ng buhay.
Hindi namin kayang ayusin lahat ng problema mo, pero baka makatulong ang isang tahimik na umaga, preskong hangin, luntiang paligid, at tunog ng ilog na umaagos sa tabi ng bahay.
Kung kailangan mo ng lugar para huminga nang malalim at magpahinga saglit sa ingay ng mundo, baka para saβyo ang Casa Ana Solana. π€πΏ