20/02/2025
Ano po ba yang health card?
Ang Health Card ay isang programa na isinusulong ng HEAL PH Party List para matulungan ang bawat Pilipino na magkaroon ng mas madaling access sa serbisyong medikal tulad ng libreng check-up, gamot, at iba pang healthcare benefits.
Para saan ito?
✔️Para may libreng o mas abot-kayang pagpapagamot ang lahat.
✔️Para mabawasan ang gastos sa ospital at gamot.
✔️Para walang Pilipinong maiiwan pagdating sa kalusugan.
Pero magkakaroon lang po ng Health Card kung mabigyan ng pagkakataong manalo ang Heal Ph sa Kongreso. Ito kasi ang ating pangunahing adbokasiya—ang gawing mas accessible at abot-kaya ang healthcare para sa bawat isa.