21/10/2026
https://www.facebook.com/share/1E1fRUfMcc/
DEADLINE NA NGAYON! HULING ARAW NG PAGBABAYAD NG 4TH QUARTER BUSINESS TAX
Mga negosyanteng Malabueño, ngayong Oktubre 20, 2026 ang huling araw ng pagbabayad ng Business Tax para sa 4th Quarter.
Kung hindi pa ninyo ito naaayos, asikasuhin na ang pagbabayad ngayong araw upang maiwasan ang surcharge at interest na ipinapataw sa late payment.
MODE OF PAYMENT
• Cash
• Manager’s Check
📌 Para sa walk-in transactions, kinakailangan ang printed Order of Payment.
📌 Para sa Manager’s Check:
Pay to the Order of: CITY GOVERNMENT OF MALABON
⚠️ Ang hindi makapagbabayad sa takdang oras ay papatawan ng 25% surcharge at 2% interest kada buwan, alinsunod sa Revenue Code.
Para sa mga tanong o paglilinaw, tumawag sa (02) 8281-4999 loc. 3007 / 3008 o magtungo sa:
📍 City Treasury Department, 3rd Floor, Malabon City Hall
🕖 Lunes–Huwebes | 7:00 AM–6:00 PM
Huling araw na ngayon. Bayaran na ang inyong Business Tax upang maiwasan ang dagdag na bayarin! 💙