09/04/2026
Sa paggunita ng Araw ng Kagitingan, taos-puso naming pinaparangalan ang katapangan, sakripisyo, at dedikasyon ng ating mga minamahal na seafarers. Kayo ang mga modernong bayani na patuloy na naglalayag sa gitna ng panganib at hamon para sa kinabukasan ng inyong pamilya at ng ating bayan.
Mabuhay ang inyong kagitingan, katatagan, at walang sawang paglilingkod. Saludo kami sa inyo—aming mga bayani sa karagatan!