02/05/2026
Palambing naman bunso…
Baka pwedeng humingi ng request kung pwedeng pagbisita mo sa ating lugar ay hindi tayo masyadong mag-ingay. May mga kasama ka bunso sa ating campsite na madalas gusto nila matulog lang at magpahinga, makinig sa huni ng ibon at alon ng dagat.
Tela lang ang pader natin bunso madaling tumagos ng ingay. Pwede bang iwan na lang natin yang microphone at malakas na speaker sa bahay? Sabayan mo na lang sa pagkanta ang gitara parang mas masaya yon. At kung iinom ka, baka pwedeng wag naman sa puntong nagtatawag ka na ng uwak :( nakakatakot kasi silang tignan :(
Magiingat ka parati bunso… bisitahin mo ulit mga Nanay sa susunod