04/07/2026
𝐆𝐑𝐎𝐔𝐍𝐃𝐁𝐑𝐄𝐀𝐊𝐈𝐍𝐆 𝐍𝐆 𝐁𝐂𝐈𝐁 𝐒𝐓𝐀𝐆𝐈𝐍𝐆 𝐆𝐑𝐎𝐔𝐍𝐃 𝐒𝐀 𝐁𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆𝐀𝐘 𝐀𝐋𝐀𝐒𝐀𝐒𝐈𝐍, 𝐈𝐒𝐈𝐍𝐀𝐆𝐀𝐖𝐀
MARIVELES, BATAAN — Nakiisa si Barangay Alasasin Chairman Dante Malimban sa groundbreaking ceremony ng Staging Ground para sa Bataan-Cavite Interlink Bridge (BCIB) na ginanap sa Barangay Alasasin.
Ang Staging Ground ay magsisilbing pangunahing land-based area kung saan isasagawa ang mga paunang construction activities, kabilang ang paghahanda ng kagamitan, pag-assemble ng heavy machinery, at iba pang civil works bilang bahagi ng pagpapatupad ng BCIB.
Ayon kay Chairman Malimban, isang karangalan para sa Barangay Alasasin na maging bahagi ng proyektong inaasahang magdadala ng mas maraming oportunidad at mag-aambag sa patuloy na pag-unlad ng komunidad.
Ang Bataan-Cavite Interlink Bridge ay isa sa pinakamalalaking infrastructure projects ng bansa na mag-uugnay sa Bataan at Cavite, na inaasahang magpapabilis sa transportasyon, kalakalan, at pag-unlad sa rehiyon.
Source: Barangay Alasasin / Chairman Dante Malimban FB