20/03/2021
Alinsunod sa Resolusyon Blg. 101 ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID), inaprubahan ng Bataan Provincial Task Force against COVID-19 ang Resolusyon Blg. 35 noong ika-3 ng Marso na nagsasaad sa proseso at mga kinakailangang dokumentong kailangang tuparin sa pagpasok sa Probinsya.
Sa kabila nito, nais ko pong ipaalala sa lahat na may COVID pa rin at ang banta nito ay palaging nakaumang.
Prayoridad pa rin po natin na masiguro ang kaligtasan nating lahat gayundin ang mga maglalakbay papunta sa ating Lalawigan kung kaya’t mahalaga na nasusunod pa rin ang mga primary health protocols, pati na ang contact tracing.
Hinihingi po ang inyong pakikiisa at ibayong pag-iingat po para sa lahat.
Narito po ang mga kinakailangang dokumento para sa mga papasok sa Lalawigan ng Bataan:
𝗔. 𝗠𝗴𝗮 𝘁𝗮𝗴𝗮 𝗕𝗮𝘁𝗮𝗮𝗻 𝗻𝗮 𝗯𝗶𝗯𝗶𝘀𝗶𝘁𝗮
1. Get-PASS QR Code
𝗕. 𝗥𝗲𝘁𝘂𝗿𝗻𝗶𝗻𝗴 𝗢𝘃𝗲𝗿𝘀𝗲𝗮𝘀 𝗙𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗼𝘀 (𝗥𝗢𝗙𝘀)
- Alinsunod sa Resolusyon Blg. 96 ng IATF-EID
1. Get-PASS QR Code
2. Pagsailalim sa quarantine
3. Resulta ng RT-PCR Test na isinagawa limang araw matapos dumating sa Pilipinas
4. Endorsement ng OWWA sa LGU
𝗖. 𝗔𝘂𝘁𝗵𝗼𝗿𝗶𝘇𝗲𝗱 𝗽𝗲𝗿𝘀𝗼𝗻𝘀 𝗺𝘂𝗹𝗮 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗺𝗮𝗵𝗮𝗹𝗮𝗮𝗻𝗴 𝗻𝗮𝘀𝘆𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗮𝘁 𝗶𝗯𝗮 𝗽𝗮𝗻𝗴 𝗮𝗵𝗲𝗻𝘀𝘆𝗮
1. GET-Pass QR Code
2. ID Card
3. Travel Order
4. Travel itinerary
𝗗. 𝗠𝗴𝗮 𝘁𝘂𝗿𝗶𝘀𝘁𝗮 𝗮𝘁 𝗶𝗯𝗮 𝗽𝗮𝗻𝗴 𝗵𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗿𝗲𝘀𝗶𝗱𝗲𝗻𝘁𝗲 𝗻𝗴 𝗕𝗮𝘁𝗮𝗮𝗻
1. GET-Pass QR Code
2. Booking accommodation
3. Iba pang requirements ng establisimyento na pupuntahan
Mayroon pa rin pong mga health monitoring stations sa mga bayan ng Bagac, Morong at Mariveles gayundin sa mga checkpoints papasok ng Lalawigan upang malaman kung may mga sintomas ang mga nagnanais makapasok sa ating Probinsya.
☝