15/05/2026
ADVISORY | Tourism Ecological Fee (TEF)
In compliance with Municipal Ordinance No. 789-S-2026 of the Municipality of Mataasnakahoy, please be informed that a Tourism Ecological Fee (TEF) will be implemented for non-resident visitors.
• ₱40.00 per tourist
• 20% discount for Senior Citizens, PWDs, and Students
• Free for children seven (7) years old and below
• Residents of Mataasnakahoy are exempted upon presentation of a valid ID
This fee is mandated by the Local Government Unit and supports the municipality’s environmental and tourism programs.
For your information and guidance. Thank you.
𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐌𝐀𝐒 𝐋𝐀𝐋𝐎𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐆-𝐔𝐍𝐋𝐀𝐃 𝐍𝐆 𝐀𝐓𝐈𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐋𝐈𝐊𝐀𝐒𝐀𝐍 𝐀𝐓 𝐓𝐔𝐑𝐈𝐒𝐌𝐎!
Atensyon sa lahat ng ating mga bisita at turista rito sa Mataasnakahoy! 📢
Bilang bahagi ng ating layunin na mapangalagaan at mapagyaman ang ating likas na yaman, ipinapaalam po ng Lokal na Pamahalaan ng Mataasnakahoy ang pagpapatupad ng Municipal Ordinance No. 789-S-2026. Sa ilalim ng ordinansang ito, magkakaroon po tayo ng Tourism Ecological Fee (TEF) para sa bawat turistang bibisita sa ating bayan.
Narito ang mga detalye:
Ecological Fee: ₱40.00 para sa bawat turista.
20% Discount: Para sa mga Senior Citizens, PWD, at mga Estudyante.
Libre: Para sa mga batang may edad na 7 taong gulang pababa.
Ang lahat ng mga residente ng Mataasnakahoy ay EXEMPTED o libre na sa pagbabayad ng Ecological Fee. Ipakita lamang ang inyong valid ID para sa validation upang mapatunayan na kayo ay residente ng ating bayan.
Sama-sama nating isabuhay ang temang: “Kalikasan Pagyamanin, Turismo’y Paunlarin.”
Ang inyong kooperasyon ay malaking tulong upang mapanatili ang ganda at kalinisan ng ating mahal na Mataasnakahoy. Maraming salamat po!