23/08/2026
Sa aming mga mahal na guest nag Balai Rosario Private Resort.
Mula nang buksan namin ang pinto ng aming resort, ang naging pangarap na namin ay magbigay ng isang tahimik, maganda, at ligtas na lugar kung saan makakabuo kayo ng masayang alaala kasama ang inyong pamilya at mga kaibigan. Bawat sulok at kagamitan ditoβtulad ng aming mga sofa at pasilidadβay pinaghirapan, inalagaan, at inihanda nang may buong pagmamahal para sa inyong kaginhawaan.
Kaya naman po mabigat sa aming loob na ibahagi ay nakaranas kami ng isang insidente kung saan ang huli namin guest ngayon araw ay sumira sa aming mga kagamitan.
Masakit at nakalulungkot para sa aming buong team na makitang ang bagay na inalagaan at inihanda namin nang may malasakit ay basta na lamang wina-warak at hindi iginagalang.
Gusto po naming ipaalala sa lahat na ang Balai Rosario ay hindi lang isang negosyoβito ay tahanan na bukas para sa inyo. Nakikiusap po kami sa aming mga hinaharap na guests: sana po ay tratuhin natin ang lugar at ang mga kagamitan na parang sa inyo rin.
sa usapang pera naman po : Dahil sa nangyareng ito, kulang na kulang po ang 2k Security Deposit para sa presyo ng isang Ratan Sofa set. Ang halaga po ng pag rent nila sa resort ay 15,000 laman po pero ang presyo ng ratan sofa set ay 25,000. Kaya kame po ay lubos na nalulungkot sa mga nagawa ng aming huling guest. ππ
Sa kabila nito, patuloy pa rin po kaming magsisilbi nang may ngiti at buong puso para sa mga bisitang marunong magmahal at magpahalaga sa aming pangalawang tahanan.
Maraming salamat po sa inyong patuloy na pag-unawa at suporta. πβ€οΈ