14/03/2020
Para po sa inyo kaalaman at pghahanda
[2020 POST] Ang post po na ito ay inilathala noong taong 2020 at hindi ngayong Marso 2021. Maraming salamat po.
*****
[UPDATED as of 1:40 AM, March 15, 2020]
Sa pagpapatupad ng community quarantine sa Metro Manila, naglagay ng checkpoint ang PNP sa San Pedro - Muntinlupa boundary.
ββ
[Published 8:40 PM, March 14, 2020]
COMMUNITY QUARANTINE: Simula alas-12:00 ng hatinggabi mamayang March 15, isasara na po ang San Pedro-Muntinlupa boundary alinsunod sa pagpapatupad ng community quarantine.
β’ Ang mga motorista na manggagaling sa Cavite, Laguna, Batangas, at kalapit na bayan ay padadaanin lamang sa Susana Heights.
β’ Ang mga manggagaling naman sa Cavite at Daang Hari ay padadaanin sa MCX papuntang Susana Heights.
β’ Ang entrance at exit point sa Muntinlupa ay tanging sa Susana Heights lamang.
β’ Para sa mga nagtatrabaho at may transaksyon sa Muntinlupa na mula sa labas ng Metro Manila, ipakita lamang ang mga sumusunod:
* Company ID;
* Valid ID; at
* kaukulang dokumento.
β’ Para naman sa mga naninirahan sa Muntinlupa na nagtatrabaho o may transaksyon sa labas ng Metro Manila, ipakita lamang ang mga sumusunod:
* Company ID;
* Valid ID na naglalaman ng inyong Muntinlupa City address; at
* kaukulang dokumento.
Ang mga pulis sa ating checkpoints ay nagseserbisyo lamang upang magbigay ng seguridad sa panahon ng community quarantine.
Asahan po natin ang mabigat na daloy ng trapiko sa mga checkpoints.
Tayo po ay magtulungan sa ating kampanya kontra paglaganap ng COVID-19 sa ating lungsod.
*Ang mga indibidwal na exempted sa community quarantine ay maaaring makadaan sa boundary. Ang mga sasakyan ay hindi papayagang makadaan.
*Ang mga pampublikong sasakyan mula San Pedro at mga kalapit bayan ay papadadaanin lamang sa Susana Heights.
*May mga limitadong pampublikong sasakyan (jeepneys) na babyahe sa rutang Alabang Viaduct-Muntinlupa (vice versa) upang ihatid ang mga pasahero mula Tunasan hanggang Alabang.