25/01/2022
Hindi ito sa farm.
So we had our booster shot and right before we are headed back to haciendaez, one of our staff called and informed us that they had fever.
So my mom advised us to stay home and rest nalang muna.
Alam mo yung nagpapahinga ka, pero ung isip mo, andun sa mga dapat mong gawin? Kaya ang nangyayari napapagod ka padin. Nasstress ka pa. π€£
Andami talagang pagpapabagal na ginawa nitong pandemya no. But if we chose to obey instructions baka mas mabilis itong natapos. Kung naging masunurin tayo sa social distancing, pagsuot ng mask at iba pa. Wala lang.. naisip ko lang naman.
On the brighter side. It's all in the mind. I remember a good friend told me... it's all about choice.
Bakit ko nga naman ikakastress ngaun, eh hindi ko pa sya talaga magawa kasi nga stuck ako sa bahay? Ayun. To make the long story short, i enjoyed rest instead of whining. Took time with the people I love and care. Spent time praying, asking God for instructions. Mas naging masaya at okey ung linggo ko.
Naiiyak na kasi ako non. Kasi feeling ko ang bagal ko sa projects ko para sa farm. Pero when my mom and dad told me. Hindi.. madami ka na nagawa don and its okey to rest. Na-kalma din ako.
There's power in rest. Baka kagaya din kita na nasanay na may things to do.. laging may natatapos kada araw. At laging busy or on the go. Hehe. Gusto lahat mabilis.
May power din ang pag-slow down and pag-wait. Lalo na ang careful planning. Ang hindi minadali... Mas stable. Ang pinag isipan. Mas may pinatutunguhan.
Siguro nakakarelate din sakin dito ung mga campers no. Yung magtatayo ka ng tent mo. Tapos uupo ka sa camping chair. Magrerelax, tapos magiisip ng mga bagay.. mga dreams.. saan ka na ba sa buhay. Magsslow down for a while to escape the busy life in the city. Mahilig din kami magcamp. At ganyan talaga nangyayari diba? Haha.
Wala lang,, na-share ko lang thoughts ko ngaung umaga.
Malapit na kami mag-open. Konting konti nalang. Sana sa susunod na pagrerelax nyo, don naman kayo sa farm namin. Hihi π. Excited din ako sa thoughts nyo kagaya nito. Masarap don magday dream promise!
Masyado na ata mahaba yung kwento ko. Ang aga ko kasi nagising e! Hahaha!
Oh.. sya! Sa susunod ulit. Magandang umaga and stay safe! β€