28/09/2026
Narito ang festival booth ng Municipality of Orani para sa TUKLAS Bataan: The Tourism Expo 2026, na kasalukuyang ginaganap sa SM City Bataan mula September 25 hanggang 27.
Tampok sa kanilang booth ang Alimango at Sugpo Festival, isang makulay na pagdiriwang na nagbibigay-pugay sa kasaganaan ng katubigan ng Orani at sa sipag ng mga mangingisda at aquaculture farmers. Tampok dito ang alimango at sugpo bilang mahalagang bahagi ng kabuhayan ng maraming pamilyang Orani, habang ipinagdiriwang din ang mayamang kultura, tradisyon, at pagkakaisa ng komunidad. Isa itong pagpapakita ng pasasalamat at pagmamalaki sa mga biyayang nagmumula sa katubigan ng Orani.
Kasama sa criteria ng Best Festival Booth ang online impact, kaya suportahan ang inyong paboritong booth sa pamamagitan ng pag-react at pag-share ng larawang ito.
Tara, tuklasin natin ang makulay na kultura, kuwento, at talento ng bawat bayan ng Bataan!