15/03/2020
Malungkot po naming ipinaaabot sa lahat ng mga deboto ng Mahal na Birhen ng Turumba na pansamantalang ikakansela ang pagdiriwang ng Lupi/Turumba 2020. Ito po ay ayon sa pahintulot at maingat na pagpapasya ng ating kagalang galang na Obispo Buenaventura M. Famadico, D.D., Obispo ng Diyosesis ng San Pablo.
Wala po munang magaganap na pagdiriwang ng Banal na Misa at prusisyon sa mga araw na nakatakda, hanggat ang pangamba ng pagkalat ng COVID-19 ay di pa napapawi.
Maaaring subaybayan ang araw-araw na pagdiriwang ng Banal na Misa sa page ng parokya - buksan lamang o i-type ang Saint Peter of Alcantara Parish (www.facebook.com/sabirhen/)
Patuloy tayong manalangin na sa tulong ng Mahal na Birhen ng Turumba ay matapos na ang unos na ito.
๐๐๐ง๐๐ฅ๐๐ง๐ ๐ข๐ง ๐ฌ๐ ๐๐๐ก๐๐ฅ ๐ง๐ ๐๐ข๐ซ๐ก๐๐ง ๐ง๐ ๐๐ฎ๐ซ๐ฎ๐ฆ๐๐
Namimighati at kalinis-linisang Birheng Maria, Ina ng Masintahing Anak na Lubhang tigib ng lumbay sa lahat ng ina sa mundo, naninikluhod po ako sa mahal mong harapan, Ina naming maawain at nagsusumamo sa iyo ng buong pagpapakumbaba, na kung itong awa't kagalingang hinihingi ko ay magiging karangalan ng Panginoong Diyos at ikagagaling ko, ay idalangin mo sa Kanyang kapangyarihan, na ipagkaloob sa akin at kung hindi ay ang Kanyang kasanto-santosang kalooban ang tutupdin ko at pasasalamatan, nang maging dapat akong magpuri sa pagka-Diyos Niyang walang hanggan. Amen.