17/09/2026
A milestone feels even more special when shared with others. πΏβ¨
Our heartfelt thank you to DWNE for taking the time to feature Lake Farm De La Marre and our recent recognitions at the 2026 Central Luzon Sustainable Tourism Appreciation and Recognition (S.T.A.R.) Awards.
We truly appreciate you helping us share this meaningful moment and giving more people a glimpse of what we continue to work for: excellent service, responsible tourism, and a deeper care for the nature that surrounds us.
From the entire Lake Farm De La Marre family, thank you, DWNE, for celebrating this achievement with us. Your support means so much to our team.
Mabuhay, and thank you for being part of our journey! πΏπ
ππππ π
πππ ππ ππ πππππ, πππππππ ππ ππππ ππ ππππππππ ππ πππππππππππ πππππππ ππππππ
Nag-uwi ng apat na parangal ang Lake Farm De La Marre sa 2026 Central Luzon Sustainable Tourism Appreciation and Recognition o S.T.A.R. Awards na ginanap noong Setyembre 10, 2026 sa Subic Bay Exhibition and Convention Center.
Kinilala ang Lake Farm De La Marre bilang Sustainable Attraction Excellence β Champion, habang itinanghal naman itong 1st Runner-Up sa Salt of Sustainability.
Nakamit din nito ang 2nd Runner-Up sa Roots and Reefs at 2nd Runner-Up sa Path to Purpose.
Ayon kay Maricar Suarez may ari ng Lake Farm De La Marre, higit pa sa tagumpay ang mga natanggap na parangal dahil nagsisilbi itong paalala sa kanilang responsibilidad na mapanatili ang mataas na kalidad ng serbisyo para sa mga bisita habang patuloy na pinangangalagaan ang kalikasan.
Binigyang-diin din nito ang kanilang pangakong patuloy na paunlarin ang tourism destination nang hindi isinasakripisyo ang kapaligiran na nagbibigay ng natatanging halaga sa Lake Farm.
Nagpasalamat din si Suarez sa mga organizer, partners, guests, at kanilang buong team na patuloy na sumusuporta sa kanilang layunin para sa sustainable tourism.
Itinuturing ng Lake Farm De La Marre ang mga parangal bilang panibagong inspirasyon upang higit pang pagbutihin ang kanilang serbisyo at pangalagaan ang kalikasan para sa komunidad at sa mga susunod na henerasyon.
Samantala, patuloy namang sinusuportahan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Ecija, sa pamamagitan ng Nueva Ecija Tourism sa pangunguna ni Acting Provincial Tourism Officer Jan Mara Stefan San Pedro, ang mga tourist destination sa lalawigan bilang bahagi ng pagsusulong at pagpapaunlad ng turismo sa Nueva Ecija.
Photo:Lake Farm De La Marre Agri Tourism Park