11/07/2026
🚨 PAALALA SA LAHAT! MAG-INGAT SA MGA SCAMMERS! 🚨
⚠️ Nakakalungkot na marami na namang nabibiktima ng scam. Kung balak ninyo pong mag-book ng accommodation, huwag basta-basta magpapadala ng advance deposit nang hindi muna nagsisiguro na lehitimo ang kausap.
Bago magbayad, maaari kayong humingi ng mga sumusunod bilang dagdag na pag-verify:
✅ Screenshot ng email bilang patunay na nakapagpadala o nakatanggap sila ng email mula sa official admin email.
✅ Guest Authorization Form (GAF) Ninyo galing sa admin bago magbigay ng anumang down payment mabilis lang makakuha ng GAF
✅ Mga naunang Guest Authorization Forms (GAF) ng mga dating guest (halimbawa, 7–10 na GAF copy
✅ Mga larawan ng mga dating guest sa mismong unit (halimbawa, hindi bababa sa 3 magkakaibang guest) bilang karagdagang patunay.
✅ Maaari rin po kayong magopa legit check ng property o host or owner or SPA dito sa page bago kayo magbayad.
💡 Mas mabuting maglaan ng ilang minuto para mag-verify kaysa mawalan ng pinaghirapang pera.
Maraming salamat at mag-ingat po tayong lahat!